Charice naging apelyido na ang ‘tibo’ at ‘lesbian’

Mahigit na isang buwan nang umamin ng kanyang pagka-tomboy si Charice kaya sana alisin na ang salitang lesbian, tibo, o tiboli kapag binabanggit ang kanyang pangalan.

Dapat ituring na siyang pangkaraniwang tao na may kakaibang talento sa pagkanta, tulad ng matagal na nating ginagawa kay Aiza Seguerra. Handa na si Charice sa kanyang mga international engagement sa Chicago, USA at sa Germany in August and September.

Kapag binabanggit ang iba pang gay en­tertai­ners tulad nina Arnelli Ignacio, Allan K, o Ate Gay, hindi naman natin ikinakabit palagi after their names ang salitang bakla. Pero hanggang ngayon daig pa na apelyido ni Cha­rice ang lesbian o tibo kapag siya ay isinusulat o ibinabalita.

Rich celeb na suki sa mga kawanggawa mabagsik sa mga tauhan ’pag walang kaharap na mga reporter

Very visible ang rich celeb sa kanilang mga kawanggawa tuwing panahon ng bagyo at ibang sakuna. Lagi kasing may pulutong ng mga photographer, reporter, TV crew, at newscaster silang kasama. Para nga naman makita sa diyaryo, marinig sa radyo, at mapanood sa TV ang kanilang pagbibigay-tulong.

Minsan nahuli ang isang showbiz veteran sa lugar na namamahagi sila ng mga rasyong bigas, pagkain, damit, at gamot. Sumabog sa galit ang boss nang makitang nagsimula na ang pamamahagi ng tulong.

Sa loob ng kanilang tent pinagsisigawan niya ang mga tauhan. Bago lumabas doon, pinilit niyang burahin ang pagka-asar sa kanyang fez. Ayaw niyang maging mukhang diablo siya sa coverage.

A few minutes more, tila Angel of Charity na ang artista na nakangiti at magiliw na namimigay ng relief goods!

Robin at Mariel sa The Buzz aamin ng totoong sitwasyon

Palaisipan pa rin sa media, lalo na sa kanilang fans, kung ano ang susunod na hakbang nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Matunog kasi the whole week na nagkakalabuan ang mag-asawa.

Napansin ng lahat ang pagtanggal ni Mariel sa mga larawan ni  Robin sa kanyang Instagram account. Wala naman kahit isang salitang narinig sa action star. Wala pang lumabas na interview, kahit sa TV, tungkol dito.

Baka naman naghihintay lang ang dala­wa sa Linggo upang muling maging exclusive sa The Buzz ang real score.

Kung simpleng tampuhan lang ito, please iwasan naman ang pag-over sensationalize. Kahit may malubhang dahilan, sana hayaan muna natin silang magka-ayos bago pagpiyestahan.

Fans naghahanap ng project sa mga alaga ng GMA

Bukas na ang GMA Artists Center (GMAAC) website para hatiran kayo ng mga latest information tungkol sa lahat ng Kapuso contract stars. Just log on to www.network.com.artistcenter, puwede na ninyong malaman ang latest happening sa inyong mga paborito.

Ang naisip ng fans, kahit kumpleto sila sa lahat ng balita kung wala namang bagong project, balewala rin. Hindi sila mabubusog sa mga balita lang kung walang napapanood na magandang show ng kanilang mga idolo.

Sexy Chef meals pangontra sa diet pills

Maraming mga artista ang nagpatunay na effective sa kanilang reducing program ang mga diet meal ng Sexy Chef na pag-aari ni Rachel Alejandro and nutritionist partner Nadine Tengco.

Bukod sa very affordable ang kanilang mga five-day diet program, free delivery pa sa mga bahay o opisina. Kayang-kaya ng mga ordinary employee ang presyo at ihahatid pa mismo sa kanilang mga tanggapan.

Bakit pa tayo iinom ng mga reducing pills na may side effects? Mag-order na lang ng pagkain sa Sexy Chef.

Sunday All Stars nilampaso ng kritiko

Nilampaso ng respected critic na si Nestor Torre ang Sunday All Stars show ng GMA!

Kilala ang veteran showbiz authority sa pagi­ging generous sa kanyang mga papuri kapag tunay na maganda ang palabas na napanood. Sa kaso ng bagong noontime show ng GMA tuwing Linggo, tila walang nakitang kaaya-aya ang director/actor/writer.

Magtataka pa ba tayo kapag natsugi agad sa ere ang Sunday All Stars?

Show comments