Coco at Izzy nagbigay inspirasyon sa mga kabataan

MANILA, Philippines - Sinimulan na kamakailan ng Teleserye Prince na si Coco Martin at Kapamilya child star na si Izzy Canillo ang kanilang bagong misyon para sa mga mag-aaral na Pilipino sa paglulunsad ng Juan Fun School Day. Namahagi sina Coco at Izzy ng iba’t ibang school supplies tulad ng mga notebook, papel, at bag sa mahigit 200 estudyante ng Ramon Camus Elementary School sa Malabon City.

 â€œAng sarap sa pakiramdam na nakakatulong kami sa mga estudyante,” pahayag ni Coco. “Sana makatulong sa pag-aaral nila ‘yung bags at school supplies na ibinigay namin. Ito naman talaga ang layunin ng ‘Juan dela Cruz,’ ang makapagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan.”

Ayon naman kay Izzy, masaya siya na magkaroon ng pagkakataon na makapagbigay inspiras­yon sa mga batang tulad niya. Aniya, “Nakakatuwa po kasi nakakatulong po ako sa mga batang katulad ko. Tulad po ng itinuturo ni Fr. Cito (Jaimie Fabregas) sa My Little Juan  dapat daw po tulungan natin ang mga taong nangangailangan.”

Show comments