Magkakasunod ang mga kasong isinampa ni Sarah Lahbati last Monday and Tuesday at napakaraming taong involved. Talagang binubulabog niya ang showbiz.
Noong Lunes ay nag-file siya ng grave coercion at perjury laban sa GMA Network, Inc. president na si Atty. Annette Gozon-Abrogar. Kasama rin sa kayang demanda ang ICON talent management exeÂcutives na sina Albert “Bebong†Muñoz, Shiela Buendia, at Andrew Dee; dating head of TaÂlent Development and Management Department ng GMA 7 na si Arsenio “Arsi†Baltazar III; at ang dating handler ni Sarah na si Michael Uycoco.
Last Tuesday naman, nagsampa siya ng P10-M libel suit laban kay Annette pa rin at sa Philippine Daily Inquirer writer na si Marinel Cruz.
Kaugnay nito ay napakaraming negative comments hindi lang ang mga nasa showbiz kundi maging ang mga taong nasa labas din ng industriya sa ginawa ni Sarah.
Imagine nga naman, nawala siya ng six months at pagkatapos ay biglang uuwi ng kaabug-abog at nagdedemanda ng kabi-kabila?
Ang unang, unang tanong ng lahat ay kung bakit naman ngayon lang siya nagdemanda at bakit hindi pa noon? Bakit hinintay pa niyang umabot ng ilang buwan?
Pangalawa, ganun ba kalaking paÂniÂnira ang ginaÂwa ng mga taong ito sa kanya para dalhin niya talaga sa korte? Sa totoo lang, sa tagal na nga ng nagdaang panahon simula nang nangyari ang conÂtroversy, paÂrang limot na nga ng mga tao and had to recall pa kung anu-ano nga ba ang kasiraang-puri sa kanya.
Hindi kaya naisip ni Sarah na mas nakasisira ng puri sa kanya ang tsismis na buntis siya at nanganak dahil ka-dalaga niyang tao and still very young?
Ayaw niyang sagutin ang isyung ito pero hindi ba niya alam na ito ang mas kasiraan sa kanya more than sa mga sinabi ni Annette kung anuman ’yun dahil nakalimutan na nga namin?
Bakit kaya hindi niya muna alamin kung sino ang nagkalat ng tsismis na buntis siya dahil ito ang mas dapat niyang idemanda?
Hindi namin inaalis ang karapatan ni Sarah na linisin ang kanyang pangalan pero maraming paÂraÂan para gawin niya ito nang hindi na kailangang humantong pa sa korte na para bang wala silang pinagsamahan ng network na nagbigay sa kanya ng pangalan.
Oh well, tingnan na lang natin kung hanggang saan ang tibay nitong si Sarah.
Enrique pinaka-sexy na lalaki sa ’Pinas!
Tinanghal ang Muling Buksan ang Puso lead actor na si Enrique Gil bilang Sexiest Man in the Philippines for 2013 sa online poll ng isang sikat na entertainment website na nilahukan ng libu-libong fans sa Twitter at Facebook.
Nagkamit si Enrique ng kabuuang 39,746 votes, na sinundan ng kapwa Kapamilya actor na si Xian Lim na nakakuha ng 22,091 votes.
Big winner ang Kapamilya Network sa online poll ngayong taon dahil siyam na puwesto ang sinakop nito sa Top 10 list. Pasok sa listahan sina Matteo Guidicelli sa No. 3, Coco Martin sa No. 4, Slater Young sa No. 6, na sinundan nina Sam Milby, Gerald Anderson, Paulo Avelino, at Richard Yap.
Kabilang sa Kapamilya actors na nagwagi sa taunang online poll sina Sam noong 2007, Piolo Pascual noong 2008, Enchong Dee noong 2011, at Coco noong 2010 at 2012.