Ogie at Regine lalabas na sa TV5!

Ang pagiging host ba ni Ogie Alcasid at pagpi-perform ni Regine Velasquez sa finals night ng Philippine Popular (PhilPop) Music Festival 2013 sa Saturday, July 20, ay hudyat na nang paglipat ng songwriter and singer sa TV5? Makakasamang host ni Ogie ang Kapatid young actress na si Jasmine Curtis Smith. May special duet naman sina Martin Nievera at Regine Velasquez-Alcasid. Special guest performers din sina Charice, Ryan Ca­yab­yab Singers, The Company, SAZI, Baihana, The Opera, at ang beat box artist na si Myke Solomon.

Last Sunday kasi ay parehong hindi nag-appear sina Ogie at Regine sa Sunday All Stars (SAS) na pareho silang judge sa mga performer ng show. Katuwiran ni Ogie, tapos na ang contract niya sa GMA Network,  Inc. at gusto muna niyang asikasuhin ang kanyang nalalapit na birthday at anniversary concert. Si Regine naman, may family bonding daw sila kaya siya absent. Ngayon kaya ay a-attend na si Regine?

Samantala, laging masaya ang presscon ng PhilPop dahil present lagi ang mga composer at interpreter ng Top 12 songs na pinili sa more than 3,000 entries. May sample lagi ng kanilang ii-interpret na songs at ipinakita rin ang mga music video ng mga entry kaya special guest ang Sexbomb girls sa music video nila ng Askal na sinulat ni Ganny Brown at performed by Jose Manalo and Wally Bayola. Nagkaroon pa ng game at tumawag ang host na si Patricia Bermudez-Hizon ng mga composer and singer na tinuruan ng Sexbomb ng dance steps ng Askal.

Hindi na rin nakatangging mag-pose for pictorial ang mag-sweetheart na Karylle at Yael Yuzon kahit magkalaban ang kanilang ii-interpret na kanta. Ang song ni Karylle ay Sa ’Yo Na Lang Ako ni Lara Maigue at si Yael ay ang Segundo na sinulat ni Paul Armesin.

One million pesos ang cash prize na tatanggapin ng 2013 PhilPop winner, P500,000 pesos sa first runner-up at P250,000 sa second runner-up. Tatanggap naman ng P100,000 ang mananalo ng Smart People’s Choice plus trophies na likha ni National Artist Ramon Orlina. Live telecast ang presentation na mapapanood sa TV5.

Sarah obligado pang magtrabaho hanggang 2015 sa GMA

Ngayong narito na sa bansa si Sarah Labhati, marami ang umaasang magsasalita na siya pagkatapos ng six months na nawala siya sa bansa at umuwi sa kanila sa Switzerland nang walang paalam sa kanyang network. 

May mga nagtatanong din kung magkakaroon ba siya agad ng project sa GMA dahil hanggang 2015 pa ang itatagal ng contract niya sa network at sa GMA Artist Center?

 

Show comments