Derek Ramsay is thankful he is now a contract artist of a fast-growing TV network, TV5. In his home channel he is always given plum roles and the best shows like the ongoing action-drama, Undercover.
Malaki rin ang pasasalamat ni Derek sa kanyang kasama sa show na sina Phillip Salvador at Wendell Ramos. Hanga siya kay Kuya Ipe for his generosity in sharing his talent and knowledge to his young co-stars in Undercover.
“Kusang loob ang ginagawa niyang pagtuturo sa akin,†Derek expressed his gratitude to the multi-awardee. “Daig ko pa ang merong continuous acting workshop while we are taping Undercover.â€
Eversince they worked together in Kidlat, Derek and Wendell have developed a genuine friendship that grows stronger in the thrilling, fast-paced action serye.
“With Wendell’s and Kuya Ipe’s wholehearted support, how could I go wrong?†Derek wondered. “I am encouraged and inspired to give my best.â€
Ang sagot naman ni Kuya Ipe, Derek and Wendell deserve all the support.
“Mahuhusay silang mga aktor and I am convinced that they are excellent performers,†sabi ni Ipe.
Dagdag pa ng durable actor, sa mga intelligent artist tulad nina Derek at Wendell, madaling matutuhan ang nararapat gawin kahit sa pinakamahihirap na eksena.
Nagugulat naman si Wendell sa hindi nauubusan ng energy na si Derek.
“Kahit buong araw at magdamag na siyang nag-taping, pa-tumbling-tumbling, kapag nag-take uli sa madaling araw for other difficult scenes ay buung-buo pa rin ang sigla at tila isang araw lang nag-relax o nagpahinga,†sabi ng co-star.
“Nakikita sa ganyang attitude ng artista ang buong pagmamahal sa kanyang trabaho,†sabat naman ni Kuya Ipe.
“Para maging successful sa aming propesyon, hindi lang kailangan na magaling kang umarte, mahusay sa action. Dapat talagang mahal mo ang iyong trabaho.â€
Ipinapalabas tuwing 7:30 p.m. sa TV5, Monday to Friday, Kapatid Network attempts to reinvent primetime viewing through the action-drama top billed by Derek Ramsay, Wendell Ramos, and Phillip Salvador.
Kumusta naman ang well-acclaimed horror director na si Topel Lee sa kanyang pagdidirek ng isang action TV series?
“He is good. He is very good,†agad na tugon ni Kuya Ipe.
“Action is really his passion,†dagdag naman ni Derek. “He is capable of presenting big action sequences, so effectively. Mahihirap ang eksenang ginagawa namin pero gamay na niya na parang matagal na siyang gumagawa ng ganitong genre.â€
Alessandra babangga kay Vilma sa Cinemalaya
Ngayon pa lang, sinasabi na ang mahigpit na magkakalaban sa best actress derby ng Directors Showcase sa Cinemalaya IndepenÂdent Film Festival ay sina Alessandra de Rossi for The Liars at Vilma Santos in Ekstra.
Kilala na ang higit na batang aktres sa pagiging reyna ng indie film. Marami na siyang natanggap na parangal sa ating bansa at maging sa abroad for her convincing portrayals in independent cinema.
Unang indie exposure pa lang ni Santos ang Ekstra. Kung gaano siya ka-effective sa pelikulang na-reject sa Cannes International Film Festival, malalaman na at mapapanood sa Cinemalaya indie filmfest.
May magkakainteres pa ba? Nora at Pip may matinding halikan sa When I Fall In Love
Ang Sine Pilipino Film Festival naman ng TV5 at ng kanilang sister companies, ipinagpaliban from its June schedule to September.
Marami pa kasing entries ang hindi pa natatapos. Nakaapekto rin ang pagpapalit ng management ng Kapatid Network.
Sa Sine Pilipino, kalahok ang Ang Kuwento ni Mabuti starring Nora Aunor na muling nakatakdang umalis ng bansa next week. Limang linggong mawawala sa bansa ang Superstar. Siguro tapos na ang When I Fall In Love nila ni Tirso Cruzz III.
Magkakaroon pala ng torrid kissing scene sa When I Fall In Love sina Guy at Pip. Ang tanong ng mga kafatid, “Meron pa bang magkakainteres manood ng halikan ng dalawang senior citizens?â€
Siyempre naman marami pa — ang mga kapwa nila mga over the hill at natural na mga loyal Noranian. Ano’ng say mo, Pit Maliksi?