Naloka ang sikat na aktres dahil siya ang nilapitan para isali sa isang movie project pero parang siya ang lumalabas na gustung-gusto na makasali sa cast ng malaking pelikula.
Natawa na lang ang aktres nang sabihin sa kanya na ipagpapaalam muna sa another actress ang kanyang participation sa movie project. Ayaw na lang ng aktres na palakihin ang isyu pero natawa at nag-wonder siya. Compared sa another actress, mas bigger star siya at crowd drawer kaya very funny na siya ang parang sabik na sabik na maging bahagi ng project na hindi naman niya kailangan.
Hindi ako magbibigay ng clue para sa ikatatahimik ng kalooban ng mga personalidad na sangkot sa kuwento.
LJ naghahangad maging anchor
Nag-audition si LJ Reyes para maging showÂbiz anchor ng news program ng GMA 7. Ipinagdarasal niya na makapasa siya dahil gustung-gusto niya na maging showbiz news anchor.
Kapag nakapasa si LJ sa audition, tuwing Sabado at Linggo ang toka niya dahil si Pia Guanio ang showbiz news anchor ng 24 Oras mula Lunes hanggang Biyernes.
Paulo walang denial sa hiwalayan nila ni LJ
Parang ang liit-liit ng Paris, France dahil sa rami ng mga Pinoy na makikita ng mga kasama ko, si Paulo Avelino ang nakasalubong ni Allan Diones sa Champs-Elysees. Nagkita ang dalawa sa harap ng Laduree, ang sikat na macarons store sa Paris.
Nagpunta si Paulo sa Paris dahil sa show ng TFC sa Europe. Kabilang siya sa mga performer ng TFC Barrio Fiesta Caravan.
Maingay ang tsismis na hiwalay na sina Paulo at LJ pero walang kumpirmasyon mula sa kanila.
Wala ring denial kaya marami ang naghihinala na may kaÂtoÂtohaÂnan ang tsismis lalo pa’t may naka-sight kay Paulo na madalas ito sa dating condo unit na inuuwian niya.
Aljur at Kris ibabalik sa piling ng isa’t isa
Prinsesa ng Masa ang title ng bagong teleÂÂserye na pagbibidahan nina Aljur AbreÂnica at Kris Bernal.
Kahapon ang story conference ng Prinsesa ng Masa na mapapanood sa September. Ibabalik ng GMA 7 ang love team nina Aljur at Kris dahil sa request ng fans ng dalawa.
Excited sina Aljur at Kris sa kanilang balik-tambalan. Alam ng fans na may kanÂya-kanyang karelasyon ang dalawa pero hoping sila na darating ang araw na sina Aljur at Kris ang magkakatuluyan.
Si Kylie Padilla ang girlfriend ni Aljur at si Carl Guevara naman ang boyfriend ni Kris.
Cesar makakatapat ang Kapamilya show na inayawan
Nag-start nang mag-taping si Cesar Montano para sa mga eksena niya sa Akin Pa Rin ang Bukas, ang coming soon teleserye ng GMA 7 na pagbibidahan nila ni Lovi Poe.
Ang Muling Buksan ang Puso ang makakatapat ng Akin Pa Rin ang Bukas. Muntik nang maging cast member si Cesar ng Muling Buksan ang Puso dahil sa kanya unang inialok ang project. Hindi maÂliÂnaw kung bakit hindi natuloy ang pag-apir ni Cesar sa teleserye ng ABS-CBN na unang inialok sa kanya bago niya natanggap ang offer ng Kapuso Network.