Grabe ang kadramahan ng isang mahilig na aktres. Nagsakit-sakitan siya at nagpa-ospital pa, madalaw lang siya ng apat na macho men na gusto niyang matikman.
Tagumpay siya sa kanyang kabaliwan dahil sabay-sabay dumating sa kanyang kuwarto sa ospital ang apat na pinagnanasaan. Say ng isa pang artista close to her, at least one or two of her visitors nabitag na ng mapaghangad sa mga matitipunong katawan.
Kaya dapat nating abangan kung ano naman ang kanyang sexy trick na isusunod.
Kuwento ni Ritz mabagal ang takbo
Kahit magpaandar pa ng motor boat, sumakay sa chopper, o kahit pa sa jet, o kung anu-ano pang paglalarong ginagawa ng mga rich ang famous, tila hindi gaanong makakatulong kay Ritz Azul na maging top rated ang Misibis Bay kung mabagal ang takbo ng istorya ng kanyang teleserye.
Sabihin pang si Christopher de Leon ang kanyang mga kaeksena kung mala-pagong naman ang pacing, mababagot ang mga viewer. Dapat talaga mahusay ang director at scriptwriter ng show.
Alessandra walang pahinga sa Mango Tree at Cinemalaya
Kabilang sa main cast ng Korean movie na The Mango Tree sina Alessandra de Rossi at Richard Yuan. Sa Cebu ang shooting para sa foreign film ng aktres.
Pagkalapag sa airport ng kanyang sinasakÂyang plane, deretso siya sa Cultural Center of the PhiÂlippines upang dumalo sa launch ng Cinemalaya Independent Film Festival.
Bida naman si Alessandra sa The Liars ni Gil Portes na lahok sa Director Showcase portion ng indie filmfest.
Arjo walang problema sa drama
Sa mahigit na isang oras na pakikipag-usap sa young actor na si Arjo Atayde, nagbigay siya ng impresyon na he is one sincere and honest person who really is determined to make it big in showbiz.
Marami na kasi kaming mga artistang produkto rin ng broken marriage tulad ni Arjo, na ayaw aminin na naapektuhan sila ng paghihiwalay ng kanila parents. Iba si Arjo, agad niyang nakuwento na na-depressed siya sa malungkot na pangyayari noong nasa grade school pa lang siya.
“It was so sad but have to cope with reality,†pagtatapat ni Arjo na malungkot pa ang malamlam na hazel eyes. “Tinulungan naman ako ng guidance ng aking parents and lola. They are always there for me at malaman ko na hindi naman ako nag-iisa sa daigdig na may parehong experience.â€
Sa loob ng isang taon at limang buwan niya sa showbiz, nakaranas agad siya ng unforgettable highlights. Last year, nagwagi siyang Best New Male Artist sa PMPC Star Awards for TV para sa remarkable performance niya sa Bangka episode ng Maalaala Mo Kaya. Na-replay ang nasabing palabas just recently at nakakuha ng mataas na rating na 32 percent!
Masuwerte si Arjo, nakasali agad sa main cast ng teledrama ng Dugong Buhay with Ejay Falcon. Bihira sa mga bagong saltang tulad ni Arjo na meron agad big break.
Maraming nagtataka kung paano nagagampaÂnan ng aktor ang dramitc moments niya sa DuÂgong Buhay, gayung he has lived a very comfortable life since childhood. Dahil well-to-do ang kanyang pamilya, ilang beses na siyang namasyal sa European countries, halos buong U.S.A, at Asian countries.
“Pinag-aaralan ko nang mabuti ang script bago kami mag-taping,†sabi ni Arjo. “Nagko-concentrate ako sa parteng kukunan at paulit-ulit kong sinasabi ang dialogue. Kaya pumapasok sa isip ko ang kailangang emotion for that scene. Pinasok ko ang pag-aartista, dapat naka-focus ako sa aking trabaho para maging successful.â€
Okay para sa isang baguhang tulad niya ang hindi masyadong masalita pero napansin naman na he is a good listener. Ninanamnam niya ang mga payo ng mga nauna sa kanya sa showbiz, lalo na ang kanyang mother na si Sylvia Sanchez.
Ang premyadong aktres ang nagkukumbinsi sa kanyang ama na pumayag si Arjo na mag-artista kaya dapat ipakita niya sa kanyang ina na he is here to succeed.
Kung tungkol naman sa chicks, okay lang kay Sylvia Sanchez, basta’t laging mag-iingat si Arjo. Ang mader pa nga ang nagpapabaon sa kanya ng condom para sure palagi ang safe sex!