Anak ni Nadine mabubuntis ng ama

May pelikula si Nadine Samonte para sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival at ito ay may titulong Nuwebe. Based ang pelikula sa isang documentary feature ng isang nine-year-old girl na nabuntis ng kanyang sariling ama.

First time lang gagawa ng ganitong pelikula na maselan ang tema si Nadine kaya medyo kinabahan siya noong magsimula na silang mag-shooting ng direktor nilang si Joseph Israel Laban na isang producer sa GMA News.

Kasama niya sa cast sina Jake Cuenca, bilang ang mapang-abusong ama, Anita Linda, at Barbara Miguel na biktima ng incestuous rape.

“Noong una kong binasa ang script, iba siya. Feeling ko na hindi ko kaya ’yung role kasi may mga scene akong gagawin na never ko pang ginawa sa buong career ko.

“Very intense ’yung kuwento and kaya ko rin tinanggap ito, isa akong ina rito na gulung-gulo at hindi alam kung ano ang kanyang gagawin dahil pareho niyang mahal ang anak at asawa niya,” sabi ni Nadine.

Sa Marinduque nag-shoot si Nadine ng naturang indie film.

“Nine days kaming nag-shoot doon. Malaking tulong ’yung location namin para sa istorya. Makikita nila kung paano mag-build up ’yung kuwento sa pagiging simple at masayang pamilya na biglang masisira dahil sa isang pagkakasala,” dagdag pa ng aktres.

Nasa New Breed Category ng Cinemalaya ang Nuwebe. Magsisimula ito sa July 26 hanggang Aug. 4 at mapapanood sa Cultural Center of the Philippines, Ayala Cinemas in Trinoma, Greenbelt 3, at Alabang Town Center.

Charee balik sa Kapuso

Muling nagbabalik si Charee Pineda sa bakuran ng GMA 7 via the primetime series na Sa Akin Pa Rin ang Bukas. Noong 2007 huling napanood ang aktres sa drama series na Impostora at una namang lumabas sa afternoon series ng TAPE, Inc. na Ikaw sa Puso Ko noong 2004.

Noong lumipat siya sa ABS-CBN 2, nagkasunud-sunod ang mga shows niya at ang biggest break nga niya ay ang maging leading lady ni JM de Guzman sa Angelito: Batang Ama.

Ang huling trabaho naman ni Charee sa Dos ay ang guest role niya sa My Little Juan.

Wala siyang regular show ngayon sa Dos kaya bumalik ang young actress sa pinagmulan niyang network.

Bukod nga sa pagiging busy ni Charee sa showbiz, busy din ito bilang isang public servant. Nanalo siya bilang konsehal sa Valenzuela City noong nakaraang eleksiyon.

George Clooney hiwalay na naman sa GF!

Kumpirmadong hiwalay na ang Hollywood actor na si George Clooney at ang girlfriend nito for two years na si Stacy Keibler.

 Ayon sa website na OMG.com, kinumpirma ng isang insider ang tungkol sa paghihiwalay ng dalawa.

“It happened recently but things didn’t end on bad terms. Work and busy schedules kept them apart,” ayon sa report.

Ayon naman sa People magazine, nagkahiwalay ang dalawa dahil sa nais na ni Keibler na magkaroon na sila ng anak ni Clooney.

Sabi pa, “Stacy called it quits. She wants to have children and a family someday. She knows where George stands on that.”

Pero nilinaw mismo ni Stacy ang tunay na dahilan at ito ay hindi dahil sa gusto na niyang magkaroon sila ng pamilya ng Hollywood actor.

“Having kids is not on my radar at all,” say ni Keibler sa E! Online.

“I’m definitely the girl who doesn’t talk about that kind of stuff. I’m not really interested in thinking about marriage or kids at all ... I’m more of a guy that way.”

Pinilit kunan ng comment si Clooney tungkol sa nangyaring paghihiwalay pero wala pang ibinibigay ang 52-year-old actor.

     Kumalat ang balitang naghiwalay na ang dalawa nang mamataan si Clooney noong 4th of July weekend sa kanyang vacation home in Lake Como, Italy na hindi kasama ang actress-model girlfriend.

     That same weekend, nakita sa Instagram naman ni Stacy na nasa Malibu ito kasama ang ibang lalaki.

 

Show comments