Sinuwerte ang has-been actress na tinanggihan ng isang aktor na makasama sa isang maingay na pelikula. Ang aktor ang nawala sa project at ang has-been actress ang natuloy ang participation.
Hindi type ng aktor na makatrabaho ang aktres dahil nagkaroon sila ng nakaraan. Naeskandalo ang aktor dahil daldakina ang aktres na nagtsismis tungkol sa kanyang tweety bird.
Tinandaan ng aktor ang ginawa sa kanya ng aktres. Hindi na siya pumayag na makasama sa pelikula o TV show ang taklesang aktres na kaligayahan na ang mang-tsismis ng kapwa.
James masayang-masaya, naka-bonding na si Bimby!
Si James Yap ang happiest father kahapon dahil nagkasama sila ng kanyang anak na si Bimby. Sinulit ni James ang isang araw na bonding moment nila ng anak at dahil sa tuwa, may-I-share niya sa kanyang Instagram followers ang picture nila.
Matagal na hinintay ni James ang araw na muling makapiling ang bagets. Sobra-sobra ang pasasalamat ni James sa korte at sa judge na naglabas ng desisyon na pabor sa kanya, ang mahiram si Bimby.
Raymond lilipat na matapos buruhin ng GMA
Kumalat kahapon ang tsismis na lilipat si Raymond Gutierrez sa ibang TV network dahil sa kanyang tweet na “Received good news. Anticipating this new project and new environment.â€
Malaya nang makakalipat si Raymond sa ibang TV station dahil tulad ng kanyang twin brother na si Richard, expired na rin ang kontrata niya sa Kapuso Network. Matagal nang walang project si Raymond sa GMA 7 mula nang mag-goodbye sa ere ang HOT TV at ang Party Pilipinas.
Mahusay na TV host si Raymond. Hindi mawawalan ng project ang mga kagaya niya na masipag at willing matuto. Hintayin natin ang announcement ni Raymond tungkol sa mga pagbabago na mangÂyayari sa kanyang showbiz career.
Sexy star na gandang-ganda ang tingin sa sarili ayaw na uling rumampa sa FHM, inokray-okray nang sumali last year
Ngayong gabi na pala ang party sa World Trade Center ng FHM 100 Sexiest Women in the World 2013. In full force na pupunta sa Pasay City venue ang fans ni MaÂrian Rivera para magbigay ng suporta sa kanilang idolo.
Pinaghahandaan ng ibang sexy female stars ang pagrampa nila dahil hindi sila papayag na matalbugan. May mga gumastos para sa kanilang mga sexy outfit at kinarir ang pagpunta sa gym para mawala ang mga bilbil sa katawan.
Hindi madali ang rumampa sa FHM dahil mahirap i-please ang Pinoy audience. Pinaglalaruan nila ang mga kababaihan na chaka ang korte ng katawan, tulad ng naranasan ng isang sexy star na nag-back out dahil pagkatapos rumampa noong nakaraang taon, puro panglalait ang kanyang natikman. Ang ganda-ganda pa naman ng tingin niya sa sarili pero inokray-okray lamang siya ng mga maldito at mahaderong audience.