Ngayong medyo maliwanag na ang kanilang usapan tungkol sa visitation rights ni James Yap sa kanyang anak na si James Jr., mukhang malakas na rin ang loob niyang aminin na totoo ngang may girlfriend na siyang iba. Siya pa mismo ang naglabas ng pictures ng maganda niyang girlfriend sa kanyang social networking account. At marami ang nagsasabing mukhang may naalarma sa mga posts na iyon.
Tungkol sa visitation rights ni James, walang makapagsalita dahil sa gag order na ibinigay ng korÂte, ganoon pa man sinabi ni James na happy naman siya sa naging kasunduan.
Eh bakit nga ba hindi siya magiging happy eh ngayon maliwanag nang makikita niya ang kanyang anak. Lumabas nga kasi noong una na bagama’t may visitation rights siya ay may ibinigay namang permanent protection order ang korte hindi lamang sa dati niyang asawang si Kris Aquino kundi pati na rin sa yaya ng kanyang anak. Kung pinagbabawalan nga ba siya ng korte na makalapit kahit na sa yaya noong bata, papaano nga ba niya makikita ang anak niya.
Kahit na sinasabi ng korte na kailangan ng isang bata ang pagkalinga ng dalawa niyang magulang, at iyon din ang sinasabi ng mga experts na kinonsulta ng korte, mukhang ayaw maniwala roon ni Kris at gusto pa ring sa kanya na lamang lumaki ang kanyang anak. Ginawa pa niyang example si Phillip Salvador na hindi naman daw naghabol sa kanilang anak na si Joshua.
Parang hindi niya alam na ang kaibahan ay hindi naman sila nagpakasal ni Phillip. Si James, sabihin mang bale wala pala ang kanilang kasal, nang ipanganak si James Jr., ay mayroong presumption of marriage kaya legal na anak siya ni James.
Pero mabalik tayo sa sinasabing girlfriend ni James na si Michelle Acazolla. Isa pala siyang bank officer ng Asian Development Bank, at sinasaÂbing kaya siya nagustuhan ni James ay dahil simple lang siya at hindi masyadong demanding. Hindi niya binu-bully si James.
Base sa survey, Daniel nangungunang endorser
Isang kaibigan namin na nagta-trabaho sa isang survey firm ang nagpakita sa amin ng reports tungkol sa sinasabi nilang mga sikat na advertising endorÂsers, at sa totoo lang nagulat din kami sa ipinakita niya sa aming survey results. Sa ngaÂyon, sinasabi nilang ang pinakasikat na male advertising endorser ay si Daniel Padilla. Sabi pa niya, ang kasikatan daw ni Daniel ngayon ay matatawag na ngang isang “phenomenon†dahil hindi iyan gawa sa publisidad lamang. Maihahalintulad lang daw iyan sa naging biglang popularidad din ni Aga Muhlach noong 1984 pagkatapos ng una niyang pelikulang Bagets.
Kung hanggang kailan tatagal ang popularidad na ganyan ni Daniel ay hindi natin alam, pero mukha namang maganda ang ginagawang pag-aalaga sa kanya ng ABS-CBN. Ngayon nga magsisimula na naman siya ng bagong serye, iyong Got to Believe, at sigurado na may iba pang mga proyektong nakalinya para sa kanya. After all masasabi nga siguro natin na isa siya sa hottest property ngayon ng network, ang isa pa ay si John Lloyd Cruz.
Iyan ang lamang ng ABS-CBN ngayon. Mayroon silang mga artistang siÂguÂradong makapagdadala ng ratings kahit na hindi gumawa ng mga shows na mahahalay.
Aktres naghahanap ng itatapat sa gf ng ex
Insecure na insecure ang isang female star nang malaman niyang napalitan na pala siya ng kanyang ex na ‘di hamak namang mas maganda kaysa sa kanya. Ngayon naghahagilap naman daw ang female star ng isang mas pogi sa kanyang ex at tiyak na iyon naman ang kanyang idi-display.