Natutuwa si Vilma Santos nang magkaroon siya ng indie movie sa pelikulang niyang Ekstra na isa sa kasali sa entries ng Cinemalaya Independent Film Festival.
Nung una ay na-curious lang kasi siya kung ano bang meron ’yung sinasabi ng iba tungkol sa indie film. Mas lalo pa siyang na-challenge nang bigyan siya ng bitplayer role.
Walang problema kay Ate Vi na maging ekstra tutal naman mula nine years old pa lang siya ay puro bida roles na ang ginagampanan niya.
“Hindi masarap maging ekstra. Pero bigyan natin sila ng atensiyon kung wala sila, wala ring big stars,†imporma ni Ate Vi.
Natatawang ikinuwento pa ni Ate Vi na hindi nga siya sinampal ni Cherrie Gil sa pinagsasamahan nilang movie na Ekstra pero sinipa naman siya nito sa isa nilang eksena sa pelikula. Nakiusap kasi si Cherrie dahil ayaw niyang sampalin si Ate Vi. Marami na kasi silang pinagsamahan pero nasipa naman siya ng mahusay na aktres.
Nagpapasalamat si Ate Vi dahil naging part din siya ng indie world at isang karangalan sa kanya na
makasalamuha ang indie family na ibang-iba sa mainstream na nakasanayan na niya.
Samantala, hindi pa nila pinag-uusapan ang 2016 elections dahil matagal pa ito.
“Mahirap mag-ambisyon. Marami pa akong dream na gustong gawin sa buhay ko. Isa pa rin akong nanay, wife, and I still have my boys with me. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, so, not yet. Saka na,†pagdidiin ni Ate Vi.
Pero thankful pa rin ang Star for All Seasons bilang public servant dahil ibang saya pa rin ang nakukuha niya sa kanyang paglilingkod sa kanyang constituents.
“Alam natin na barako country ang Batangas. Pero ’pag nagsalita na ako they follow. Hindi mababayaran ’yun dahil talagang nakikinig sila. Very fulfilling ang pakiramdam lalo na at meron kang maiiwang legacy sa kanila,†pagmamalaki ni Gov. Vi.
Arkin ‘bininyagan’ ni Andi
Wish ni Arkin del Rosario na siya ang nawawalang anak o apo ni Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment para tuluyang dumaloy ang suwerte ngayong nagso-solo na siya as an artist. Nagkataon lang na pareho sila ng surname ni Boss Vic kaya hindi na rin binago ang kanyang apelyido.
Nagsimulang modelo si Arkin at napasama siya sa XLR8, ang dating dance group ng Viva, nang mag-audition siya sa Viva office. Pero thankful pa rin si Arkin kay Boss Vic dahil kinuha pa rin siya nito para lalo pang mahasa sa kanyang sing and dance talent. Isinabak din siya sa pelikulang Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi kung saan kasama sina Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Alice Dixson, at Cristine Reyes.
Pasalamat siya kina Andi at Cristine dahil very considerate ang mga ito sa kanyang unang sabak sa aktingan. Lagi siyang pinapatawa ni Andi na feeling niya ay bininyagan lang siya para mawala ang kanyang hiya sa pakikisama sa cast.
Ang bait ni Arkin dahil tumigil siya sa kanyang kursong broadcast journalism kahit na isa itong home study ng PUP learning center para lang unahing pag-aralin ang kanyang ate na kumukuha ng educational course at sagutin maging ang pag-aaral ng kanyang pamangkin. Bunso sa apat na magkakapatid si Arkin na ang dalawa nilang kapatid ay may sarili nang pamilya.