Vilma tanggap nang forever ‘makakaaway’ si Nora
Bigatin pala talaga si Gov. Vilma Santos-Recto. Biruin n’yo na naka-tatlong term siyang mayor ng Lipa, Batangas at anim na taon na bilang gobernador at kamakailan ay kapapanumpa pa lang niya uli para sa kanyang last term bilang Batangas governor?
Kaya kaagad ay meron nang lumalapit sa kanyang grupo na inaalok siyang maging senador, vice president, at meron pang presidente ng bansa para tumakbo sa 2016 elections.
Hindi pa naman iniintindi ni Ate Vi ang mga ideya pero kung sakali raw mag-level up ang kanyang political career, iisa ang tiyak na isusulong niya nationwide. Ito ang kanyang advocacy sa Batangas na HEARTS (Health, Education and Environment, Agriculture, Roads, Tourism, and Security).
Dati raw kasi, sabi ni Ate Vi, priority niya ang edukasyon sa kanyang bayan pero sa personal niyang pakikisalamuha sa mga public school sa kanyang lalawigan ay iisa ang sinasabi ng mga teacher sa kanya — laging gutom ang mga estudyante kaya kahit anong turo ng mga ito ay walang saysay ang kanilang paghihirap sa mga bata dahil sa tinatawag na micronutrient deficiency o kakulangan ng tamang nutrisyon ng mga bagets.
Kaya naman sa 10 probinsiyang hawak ni Gov. Vi ay pinalawak niya ang awareness ng kalusugan sa kanilang community. Isang solusyon ni Ate Vi sa pagsugpo ng micronutrient deficiency ay ang pag-inom ng gatas araw-araw, ayon na rin sa pag-aaral ng FNRI-DOST.
Tulad daw nung bata pa siya na ang baon niya ay gatas at tinapay. Napaaga lang siyang napasabak sa trabaho kasi sa edad na nine years old ay nagso-showbiz na siya kaya naudlot ang kanyang paglaki.
Kuwento pa ng Star for All Seasons, matangkad daw ang kanyang ate na panganay nila na siyang kasa-kasama niya lagi sa mga lakaran tulad nung presscon last Thursday na ginanap sa Shangri-La Hotel sa Palawan Ballroom sa Mandaluyong City at itinuro niya ito at totoong mataas nga ang kanyang ate. Maliit din ang bunso nilang kapatid na babae dahil maaga rin daw itong nag-showbiz. Pero kung iinom nga naman ang mga kabataan ng gatas ay tiyak na lalaki silang mataas at mapupunuan din ng mga iron, zinc, at vitamin C ang kanilang katawan at mabibigyan sila ng tamang nutrisyon.
Sa paglaban ni Ate Vi sa micronutrient deficiency ay katuwang niya ang Bear Brand powder milk sa mga public school at sa kanilang bayan.
Kaya tiyak na babaha ng gatas sa pagtakbo ni Ate Vi sa national elections dahil napatunayan ng mga expert na ang pag-inom ng gatas ang solusyon sa magandang future ng ating mga bagets.
Speaking of gatas, payag si Ate Vi na alukin ng gatas ang kanyang Superstar na kumare para sa plano ni Nora Aunor na pasiglahin daw ang movie industry sa pamamagitan ng kanilang muling pagsasabong.
Sabi ni Ate Vi, hindi talaga mawawala ang rivalry sa kanila ng Superstar. Ang mahigpit lang na bilin ni Ate Vi ay basta raw i-attack ng may maturity ang kanilang rivalry. Dahil may mga edad na nga naman sila at hindi na bagay sa kanila ang pinag-aaway pa na parang mga teenager.
- Latest