^

Pang Movies

Xian agad-agad ipinagtanggol si Kim sa pagkamatay ng ina

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim ang humihingi ng pang-unawa sa mga taong patuloy na binabatikos ang dalaga lalo na ngayong nagdadalamhati ito sa pagkawala ng inang si Louella Yap Chiu noong Linggo, June 23.

Sa kabila kasi nang pinagdaraanan ni Kim ay kung anu-ano pa ang mga naglalabasang paninira laban sa kanya kaya naman to the rescue ang ever supportive BF niyang si Xian.

 â€œI just want to say na sana respeto lang towards Kim and her whole family, ’di ba? Kasi merong mga lumalabas na mga bali-balita... I mean, it’s not helping Kim in any way. It’s not helping the situation,” say ni Xian sa interview sa kanya sa www.abscbn.com.

“Lagi kong sinasabi people are always going to have something to say. Ang masasabi ko lang doon, tama na. Respeto lang kay Kim. Respeto sa pamilya niya. Kung palagi tayong makikinig sa mga gawa-gawang istorya na walang basehan it’s not helping us in any way.”

Sinabi rin ni Xian na noong araw na pumanaw ang ina ni Kim ay lumipad kaagad papuntang Cebu ang young actress.

“Nung time na wake, the day when her mom passed away, she flew to Cebu. Then after that I followed to check up on her kung kumusta na nga siya,” sabi ng young actor. 

Kuwento pa ni Xian, magkasama sila ni Kim noong Martes ng gabi, June 25, sa shooting ng kanilang launching movie as a love team para sa Star Cinema.

“I can’t really say she’s doing okay but she’s trying to stay strong. She’s recovering,” komento ng binata.

Gustung-gusto raw ni Kim na palaging nasa tabi ng kanyang pamilya sa panahon ng kanilang pagluluksa.

 â€œIf there’s time she spends it with her family kasi this is the time na her family needs her the most, and this is the time na kailangan talaga nilang magsama-sama,” dagdag pa ni Xian.

Sa tanong kung paano niya dinamayan ang ka-love team, sagot ni Xian, “Nandito lang ako. Makikinig ako kung anuman ang gusto niyang ilabas. Kung kailangan niya ng kausap, kung kailangan niya ng kasama, I’m here.

“Kim is a very strong girl. ’Pag kasama ko si Kim nararamdaman ko ’yun sa kanya. Kaya sa lahat ng supporters, sa lahat ng mga sumusuporta, sa lahat ng nakikiramay, talagang they should just keep in mind that she’s a really strong girl and she will get through this,” pahayag pa ni Xian.

                                                       

CEBU

KIM

KIM CHIU

KUNG

LOUELLA YAP CHIU

RESPETO

STAR CINEMA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with