Sure na ito, wala nang pagbabago, nakapag-decide na ang King of Talk na si Kuya Boy Abunda sa 2016 bilang governor ng lalawigang Samar. Sure ako na napag-aralan na ni Kuya Boy ang gagawing pagtakbo dahil sa ang mga kababayan na niya ang humihiling sa kanya.
Kung sabagay, kayang-kaya ni King of Talk na mamuno ng malaking crowd ng tao eh lahi siya talaga ng politicians. Kung nakaya ng kanyang Nanay Lising na maging mayor ng kanilang bayan eh kaya rin ng matalinong anak.
Enchong hindi nakasingit sa apat na ‘sis’
Wala kang maitutulak-kabigin sa apat na magkakapatid sa pelikulang Four Sisters and a Wedding, ang 20th anniversary movie ng Star Cinema, na sina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, at Shaina Magdayao. Nang magsabog ng kagandahan ang Panginoong Diyos, parang ang apat na dilag lang ang nakasalo. Kung nalaman ko lang ito, sana nakisalo rin ako, para lima na kami!
At brainy pa ang mga hitad ha? Sumakit pala ang tenga ng kanilang direktor dahil wala na silang ginawa sa break time ng shooting kundi magdaldalan. Pero happy si Direk Cathy Garcia-Molina dahil ’pag shoot na, alam na ng apat ang gagawin sa harap ng kamera.
Ang only brother at bunso ng magkakapatid ay si Enchong Dee. Say niya ay nakikinig lang daw siya at taga-kain ng mga lafang na dala ng apat na babae sa set.
Walang konsiderasyon!
Walang konsiderasyon ang Puregold Sta. Rosa Golden City sa Laguna. Nawala ko kasi ’yung number card para sa bagay na iiwanan sa counter. Payong na bigay ni Toni Gonzaga ang iniwan ko. Naratrat ako dahil magsasara na. Ilang items lang ang nabili ko. Nang kukunin ko na ang payong, nawala pala ’yung No. 11 card. Feeling ko nahulog.
Eto na, hindi ibinigay ang payong at para makuha ko talaga, magbabayad daw ng P52. Ganoon pala ang policy nila.
Dapat may exemption naman. Eh umuulan at luma pa ang payong. Sira na nga ang handle. Pero wala talaga.