Kasundo ni Sarah Geronimo si Matteo Guidicelli at higit sa lahat approved sa kanyang inang si Mommy Divine ang binata.
Nag-enjoy si Sarah G. na kasama si Matteo sa mga show nila sa abroad dahil gentleman at super mag-alaga ang dating boyfriend ni Maja Salvador.
Kung magkakatuluyan ang bagong pareha, nag-exchange lang ng boyfrend sina Sarah G. at Maja.
Dati kasing si Gerald Anderson ang na-link sa singer-actress, pumasok lang sa eksena si Maja. Si Maja naman ay naging boyfriend si Matteo at naÂging seryoso ang dati nilang relasyon.
Rayver inirarampa na ang gf na Pinay-German model
Si Rayver Cruz naman, na nagpatibok din sa puso ni Sarah G. bago pumasok sa eksena si Cristine Reyes, may bagong ka-date na, si Irene Hart na Pinay/German model na naging semi-finalist sa 2013 Binibining Pilipinas pageant.
Sa Instragram nakita ang dinner date ng dalawa, kasama ang brother ni Rayver at sariling partner nito. Sa ngayon wala nang pakialam sa kanya si Sarah G. na matagal nang naka-move on.
Willie wala nang mapuntahan
Noon pa ang speculation namin na hindi aalis sa TV5 si Willie Revillame. Una, wala na siyang network na malilipatan, puwera na lang kung bibilhin niya o magiging partner ng Solar TV ni Wilson Tieng.
Ang palagay ng marami, gusto lang ni Revillame ng better deal with the Kapuso or Kapatid Network. Ano pa kayang kondisyon ang gusto niya, sa tratong tila siya ang may-ari ng TV5?
Sarah malapit nang matapos ang pagiging TNT
Napanood sa Instagram ang 15-second exercise video ni Sarah Lahbati. Malinaw na flat ang kanyang tiyan kaya imposibleng mapagkamalang buntis. Physical pa ang routine na delikado para sa isang nagdadalantao.
Lalong hindi naman mukhang bagong panganak ang nagtatagong aktres sa visual aid to showcase her real condition. Ang hindi namin alam ay kung kailan kinunan ang nakitang ebidensiya.
Tutal malapit nang lumantad ang T.N.T. (tago nang tago) na si Sarah, haharapin na niya ang lahat ng mga paratang at akusasyon laban sa kanya.
Singer na kampeon sa talent search, natikman ng baklang kaklase
Matamis ang ngiti ng kumareng baklesh kapag nakikita o napapanood ang isang mang-aawit na naging kampeon sa isang TV talent search.
Lagi kasi niyang naalala ang naganap noong magkaklaÂse pa sila ng singer sa isang university. Nasumpungan nila ang isa’t isa sa isang empty classroom. Ayaw naman nilang huÂmiga sa sahig, kaya sa mesa ni propesor naganap ang lahat.
Matapos ang konting pagpagan at pag-aayos ng mga damit na nagusot, up and about muli ang aking amiga na tila walang nangyari. Buti na lang may baon siyang tissue paper, lotion, at alcohol sa kanyang shoulder bag!
Mga bumabatikos sa MHL naging promo pa
Makapigil-hininga (mala-suspense-thriller) ang nangyaring paghihintay ng KMC (Kapatirang Maria Clara o grupo ng mga beki) sa pagpapalabas ng My Husband’s Lover last Wednesday night. Ang akala kasi nila ay pipigilan ang telecast nito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ang sabi, maraming grupo ang nagrereklamo against the gender-sensitive teleserye starring Dennis Trillo, Carla Abellana, and Tom Rodriguez. Sa palagay ng isa pang KMC (Kapatirang Maria Clara o grupo ng mga manang) at iba-ibang concerned viewers, hindi dapat pinapalabas ang “offensive†teledrama. Wala namang aberyang nangyari that night pero tiyak na hindi titigil ang conservative groups na pigilin ang telecast ng My Husband’s Lover.
Effective promo para sa show ang ginagawa nilang pag-iingay. Higit na nagiging curious ang mga manonood kaya tumataas ang rating ng show.
Well, kung talagang ayaw nilang panoorin ito, marami namang ibang palabas sa ibang network.
Japanese films libre sa Shangri-La Plaza
Sa July 14 idaraos sa Shangri-La Plaza Mall cinema ang 15th Egai Sai, Japanese Film Festival ng Japan Foundation in Manila.
Maraming magagandang pelikula ang ipapalabas: About Her Brother, Confession Castle Under Fiery Skies, Rinco’s Restaurant, Dear Doctor, at Always Sunset at Third Street.
Libre ang lahat ng palabas na first come-first served basis. Puwede kayong tumawag sa Shangri-La Plaza mall office.