Iisa pala ang may-ari ng Misibis Bay Resort and Casino at ng Midas Hotel kaya rito ginanap ang presscon ng Misibis Bay noong Martes ng gabi.
Hindi ako nakadalo sa presscon ng bagong teleserye ng TV5 dahil nalalayuan ako sa venue. May nagsabi lang sa akin na masasarap ang food sa Midas Hotel kaya sulit ang pagpunta doon ng mga reporter.
Joint project ng TV5 at ng Misibis Bay Resort management ang Misibis Bay. Milyun-milyong piso ang share ng Misibis Bay Corporation sa teÂleserye pero wala silang regrets dahil ang kanilang resort sa Albay ang makikinabang.
Palaging mababanggit sa TV, mga diyaryo, at social media ang Misibis Bay dahil ito ang title ng sexy teleserye ng Kapatid Network.
Tonton at Glydel hindi natetengga
Napapanood na uli si Glydel Mercado sa My Husband’s Lover.
Bongga ang reviews sa acting ni Glydel sa unang episode ng serye pero biglang na-Luz Valdez sa show ang kanyang karakter.
Nag-alala ang fans ni Glydel na baka mawala na ito pero hindi sila dapat mag-worry dahil visible na uli siya sa mga eksena ng pamintaserye ng GMA 7.
Parehong hindi nawawalan ng mga TV project si Glydel at ang kanyang mister na si Tonton Gutierrez.
Dahil sa sipag ng magdyowa, hindi ako magugulat kung mabili nila ang lahat ng mga magagandang gamit para sa kanilang bagong bili at renovated na bahay.
Richard isasabay sa pagnenegosyo ang pag-aaral
May new business sa Cebu City na pinaplano si Richard Gutierrez.
Kapag natuloy ang pag-aaral ni Richard ng filmmaking sa Cebu City, hitting two birds with one stone ang mangyayari dahil habang nag-aaral siya, inaasikaso niya ang kanyang negosyo na binabalak.
Rest muna si Richard pagkatapos ng promo at cinema showing ng My Lady Boss sa July 3. Hindi rin naman biro ang straight na pagtatrabaho niya ng 11 years mula nang pumasok siya sa showbiz. Knowing Richard, nakaipon na siya para sa kanyang future kaya can afford na siya na mag-relax- relax kapag may time.
Papa Erap uupo na
Simula sa Lunes, si Papa Joseph Estrada na ang bagong mayor ng Maynila.
Maganda ang pagsisimula ni Papa Erap dahil pumapatak na Lunes ang July 1. Unang araw ng buwan, bago na ang mayor ng Maynila at good omen ito para sa mga Manileño na nangangarap ng malaki at maraming pagbabago sa kanilang lugar. Mapapadali ang pagpapaunlad ni Papa Erap sa Maynila kung magbibigay ng full cooperation ang kanyang constituents.