^

Pang Movies

Claudine kakasuhan si Raymart?

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang mag-asawa ba na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto ang tinutukoy ni Atty. Joji Alonso na may kasong domestic violence na sasasabog anytime? 

Eh may mga post pa si Claudine sa kanyang Instagram account na may mga galos siya sa kanyang mga braso. Agad namang tinanggal ito ng aktres.

Granting without admitting na totoo ang balita, si Claudine ba ang nag-file? Baka napuno na si Raymart sa asawa lalo na’t ang balita ay nakabukod na ang aktor at bilang compromise ay kay Claudine muna ang mga anak nila.

Hay, nagsanga-sanga na ang kaganapan sa buhay ni Claudine from her sisters and now to her husband na alam naming mahal na mahal siya.

Somebody should put an end to these controversies!

Dina makikipag-reunion kay Vic

Nakatakdang mag-guest si Dina Bonnevie sa sitcom ng anak na si Oyo Sotto at dating asawa na si Vic Sotto. Napapayag ang tahimik nang aktres na maging bahagi ng sitcom kahit isang episode lang. Magsisilbi na ring reunion ng mag-anak ang guesting niya dahil bihira nang mangyari ito ngayon sanhi ng meron na silang kanya-kanyang minamahal.

Hindi naman naging problema kay Dina ang role niya sa sitcom niya. Lalabas siyang lola ni Vic dahil nanay naman ni Oyo ang role niya, huh!

Looking forward nga si Direk Bibeth Orteza sa guesting ni Dina dahil naging malapit din siya sa aktres nung mag-asawa pa sila ni Vic.

Magaling na aktres hindi kinagat ng viewers kaya wala na halos career

Out of circulation yata ang isang magaling na aktres. Wala siya sa mga regular TV program ng network at pati pelikula ay nganga rin siya.

Bigla kasing nawala ang impact ng aktres matapos bigyan ng drama series ng network. That time kasi nang umeere pa ang show niya, nakulangan ang management ng network dahil hindi siya ganoon kaepektibong engganyuhin ang televiewers na subaybayan siya.

Magaling at maganda naman ang aktres pero sadya yatang mailap sa kanya ang stardom. She may be around but she’s neither here nor there, huh!

Meron namang appeal ang aktres pero sadya yatang may edad na siya kumpara sa mga kabataang artista ng network na talaga namang humahatak ang mga programa sa ratings!

vuukle comment

AKTRES

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DINA

DINA BONNEVIE

DIREK BIBETH ORTEZA

JOJI ALONSO

MAGALING

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with