Habang tinitipa namin ang kolum na ito ay nabasa namin sa PEP ang reaksiyon ng abogado ni James Yap na si Atty. Lorna Kapunan sa mga naging pahayag ni Kris Aquino sa ex-husband at sa kaso nila pati na rin sa kuwento ng Queen of All Media hinggil sa Father’s Day.
Ayon kay Atty. Kapunan sa ipinaÂdala niyang mensahe sa nasabing entertainment website, “Kris and/or her lawyers actions are not consistent with good faith, we have text messages from Kris indicating she will make it difficult for James to visit Bimby, and that James should file a motion to amend the visitation order for him to visit Bimby.
“Her lawyers have indicated they will question the order of the court denying PPO (permanent protection order) over Bimby and have asked to see the report of the psychiatrist/sociologist.
“We don’t know if Kris sent James a text knowing that he is out of the country-unless, she wants to again build a case against James alleging that he has neglected his duties as father. Enough of this drama! James wants to visit his son.
“Is that too much to ask when the court has already decided that Bimby needs both parents?â€
What is Krissy’s reactions to this?
“No comment. Si Attorney Raymund Fortun will represent me regarding visitation agreement. Hearing is tomorrow (which is today, Friday, June 21).
“Sila ang nag-drama ’di ba? Si Atty. Kapunan ang nag text blast na NO FATHER’S DAY for James. Eh wala naman talaga kasi ’di ba nasa Europe nga?
“And I never text James. I texted Attorney AliÂvia at 8:15 (morning) on June. 16. He replied at 4:44 (afternoon),†ang mensahe na ipinadala ni Kris sa isa sa kanyang mga publicist.
Narito ang text message ni Kris sa abogado ni James last Father’s Day at 8:15 a.m.: “Good morning Atty. Bimb will call James to greet him, please let me know what time is best.â€
At eto raw ang reply sa hapon: “Good afternoon Ms. Aquino. We could not contact James, but Bimby can call anytime and we are certain that James would appreciate Bimby’s call any time of day.â€
It turned out na nasa Europe pala si James that time at nagbabakasyon. Nakunan pa nga ito na may kasamang babae pero hindi pa masabi kung ito ang kanyang bagong girlfriend.
Sarah hinay-hinay muna sa acting, naka-focus sa pagko-coach
Malamang daw ay sa November na matuloy ang Sarah G. Presents dahil tatapusin muna ni Sarah Geronimo ang The Voice of the Philippines kung saan ay isa siya sa apat na coaches.
Hindi na raw keri ng schedule ni Sarah kung gagawin pa ang nasabing weekly series dahil kinakarir niya ang pagiging coach at ayaw niyang mahati ang kanyang oras.
Ang Sarah G. Presents ang siyang kapalit ng musical show niyang Sarah G. Live.
“Hinay-hinay na muna tayo sa acting. Dito muna tayo sa pagiging mentor,†say ni Sarah sa isang panayam.
“Very challenging, mahirap pero alam kong marami akong matutuhan dito. Maggu-grow ako. Masarap sa pakiramdam na makakatulong ka na matupad naman ang pangarap ng ibang tao. Buong-puso kasi ’yung sincerity natin na makatulong.â€
Ang tanging isinasabay lang ni Sarah ay ang ginagawa niyang bagong album na nasa kalahatian na at ang 24/SG conÂcert tour niya na nauna nang ginawa sa Amerika na isang maÂlaking tagumpay.
On June 28 ay meron siyang provincial concert sa Bacolod na gaganapin sa St. La Salle Coliseum with special guests Bamboo, Ronnie Liang, and Michelle O’Bombshell.
Tickets are available sa SM City Bacolod, St. La Salle Coliseum Office, Redstar, ABS-CBN Bacolod, Moon Cafe and Eastview Hotel. Presented by Cebuana Lhuillier, Globe, Ulalam, Cherry Mobile, Belo Essentials in Cooperation with Jollibee, Sunsilk, Skechers, and Xtreme Magic Sing.