MANILA, Philippines - Sobrang at home si Valerie Concepcion sa kanyang pagbabalik after six years sa Kapuso Network sa primetime seryeng Anna Karenina. Gumaganap siya bilang si Ruth na gagawin ang lahat para mapasakanya ang kayamanan at kapangyarihan na mapupunta sana sa pinsang si Maggie na ginampanan ni Yasmien Kurdi. Kasama niya ang tatlong bida na sina Joyce Ching, Krystal Reyes, at Barbie Forteza at sa direksiyon ni Ms. Gina Alajar.
Hindi nagdalawang-isip ang aktres na mag-ober da bakod muli sa kuwadra ng GMA 7 dahil bukod sa magandang offer ay naging praktikal lamang siya bilang single parent.
“Bilang breadwinner and single parent, kailangan nating magtuluy-tuloy ng trabaho. So, sige,†pag-amin pa ni Valerie.
Sobrang ganda ng role niya kaya nanghihinayang siya kung tatanggihan niya ang offer sa kanya. At wala rin naman daw pagbabago sa kanyang mga kasamahan ngayon dahil wala namang bad blood noong nag-decide siyang maging Kapamilya.
Pinag-isipan ba niya nang matagal ang pagbabalik niyang Kapuso?
“Well, pinag-isipan in the sense na big move nga po. Pero sabi ko nga, it’s my chance na after seven or six years na makabalik po rito sa Kapuso Network, ‘eto na po ang chance na ’yun.
“Kaya I really grabbed the opportunity,†kuwento pa ni Valerie.
Bago umalis si Valerie sa GMA 7 ay lead star na ang estado niya, ngunit sa pagbabalik niya ay supporting role ang ibinigay sa kanya at mother role pa.
Pero wala raw kaso ito kay Valerie.
“Sabi ko nga po sa sarili ko, as an actress, ayoko ng parang mamili ako ng role. Na gusto ko puro kontrabida o gusto ko puro mabait o ganyan.
“Gusto ko po iba-ibang role ang gagampanan ko na tatanggapin ko po,†dagdag pa niya.
Tila nalilinya na talaga siya sa pagiging kontrabida. Gusto niya ba talaga ang ganitong role?
“Oo,†nakangiti at mabilis niyang sagot.