OMB wala pa ring nahuhuling lider ng sindikato, mga pobreng tauhan ang pinag-iinitan

Kahit maraming publicity ang Optical Media Board with chair Ronnie Ricketts about keeping close watch on camcording sa mga sinehan, hindi pa rin kami impressed.

Hanggang flooded ang market sa mga pirated CD and DVD ayaw naming sumali sa mga pumupuri. Madalas pa rin ang raid pero after just a few minutes ay nasa kalye na naman ang kanilang bogus goods. Milyones pa rin ang nawawala sa film and music industry.

Paano naman pawang mga pobreng tauhan lang ang nahuhuli nila? Ang malalaking isda, o ang talagang mga puno ng mga sindikato ng pirata, ay mala­yang nakapagpapatuloy ng kanilang illegal business.

Iharap ninyo sa media ang kahit isang syndicate head, papalakpak talaga kami.

Music industry hirap nang magka-platinum sa rami ng pirata

Isang leader ng music industry ang patuloy ang reklamo na mahirap nang maka-platinum ang isang album. Kinakain kasi ng mga pirata ang benta.

Higit na mabili ang fake products dahil super baba ang presyo.

TV exec kinatatakutan!

Kinatatakutan ang isang TV executive ng network. Say nila, walang habag at bastos ang new boss. Walang pakialam kung may masasagasaan o masasaktan.

Kailan lang ay biglang naalis sa isang project ang veteran actress. Hindi siya type ng bagong power on the throne. Kinakabahan tuloy ang mga bagong artista na baka sila naman ang mapagdiskitahan. Hindi nila maisip ang mangyayari kung bigla silang mawalan ng trabaho.

Pati ang mga unit production head naghihintay ng desisyon tungkol sa cost cutting. Mababawasan ang kanilang budget at siyempre higit na magsa-suffer ang quality ng kanilang show.

Arci lumabag sa patakaran kaya tsinugi

Talsik na si Arci Muñoz as co-host ng Wowowillie. Natuklasan daw ni Willie Revillame na merong boyfriend ang young actress.

Of course, wala naman silang relasyon ng TV host-comedian.

Mukhang kasama sa patakaran ng show ang bawal umibig? Pero puwede ang may asawa na, tulad ni Mariel Rodriguez.

Gay performers ng Club Mwah rejected sa Middle East show

Maiiwan sa bansa si Chaka at lahat ng gay performers sa Folies de Mwah kapag umalis ang grupo for a month-long series of shows in Dubai. Sinunod lang ang gusto ng producer ng show na pawang mga babae at tunay na lalaki ang isali sa kanilang repertoire for Middle East. Pinagbawal talaga ang mga baklesh!

Kaya ang mga female impersonator, tuloy naman ang palabas sa kanilang Club Mwah in Mandaluyong. May inspection kaya pagda­ting ng airport sa Dubai? Meron kasing mga transsexual sa grupo na maganda pa sa tunay na babae. Paano malalaman kung operada lang ang isang ‘‘girl’’?

Lea pinuri-puri na naman

Pawang rave reviews ang natanggap ni Lea Salonga sa kanyang katatapos na third concert series sa Café Carysle sa New York City. Isa sa mga pumirma at nasiyahan sa palabas na tribute sa mga idol ni Lea na sina Barbara Streisand at Ella Fitzgerald ay ang New York Times critic na si Stephen Holden.

Maging ang dakilang Pinay concert pianist na si Cecille Licad ay nag-post sa kanyang ‘‘it is a super evening,’’ tungkol sa show ng Tony awardee.

Dennis ayaw nang patulan ang mga sinasabi ni Bianca

Masaya ang pag-uwi ni Dennis Trillo sa bansa after the Indepen­dence Day shows in the States. Nalaman agad niya na mataas ang ra­ting ng My Husband’s Lover kung saan kasali siya sa kakaibang triangle with Tom Rodriguez and Carla Abellana.

Say pa ng mga sumusubaybay sa show, My Husband’s Lover will surely catapult Carla Abellana to TV superstardom. She deserves it. It has long been overdue.

Tahimik si Dennis tungkol sa mga tanong about Bianca King. Ayaw nang magsalita ng aktor at baka ma-misquote pa siya. Kahit sabihin pang marami ng interviews ang aktres tungkol sa kanilang hiwalayan.

 

Show comments