Nabawasan ng pogi points ang isa sa mga pinaÂkaguwapong bokalista ng bansa. Napansin ito sa ilang TV guestings niya kamakailan. Ngayon lang din kasi siya na-focus nang husto sa telebisyon matapos ang ilang taong pagiging misteryoso at mailap kaya ngayon lang siya natititigan kumbaga. Ang stage lang talaga ang exposure niya sa loob ng maraming taon sa music scene.
Bukod sa nagdagdag na ng edad, payat tingnan sa TV screen ang rock singer kaya mas lumaki pa ang kanyang mga mata. Hindi rin bumagay ang hairstyle niya dahil nagmukha siyang Troll doll, ’yung laruan nung ’90s.
Ganun man, isa pa rin siya sa may pinakamagandang boses sa mga naghilerang pop at rock singer natin.
Rock singer tumabingi ang labi!
Bukod kay rock singer 1 sa itaas naming kuwento, nauna namang nakitang lumabas sa isang local cable channel si rock singer 2. Ang tagal ng exposure niya sa isang espesyal na segment ng istasyon at paulit-ulit pang ipinalabas kaya bawat kibot sa mukha ng bokalista ay pansin na pansin.
Kagulat-gulat na parang nagkaroon na ng problema sa labi si rock singer 2. Tabinging-tabingi ang kanyang lips kapag nagsasalita. Maihahalintulad ito sa taong nagkaroon ng stroke at hindi naibalik sa dating porma ang labi. Pero wala namang ganung balita sa bokalista na guwapo rin at namayagpag nung early 1990s. Hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa nga ang kanilang pagtugtog.
At tulad ni rock singer 1, hindi apektado ang magandang boses ni rock singer 2. Mabuti na lang!
Rico Blanco solong-solo ang concert ngayong Araw ng Kalayaan
Ang konti yata ng nagpa-concert ngayong Araw ng Kalayaan. Kahit ang mga nangungunang mall ay hindi nagkaroon ng libreng tugtugan.
Isa lang ang na-highlight ng todo, ang Freedom Rocks! An Independent Day Concert ngayong June 12 sa Gateway Park ng Araneta Center, Cubao, Quezon City. Dalawang banda lang ang bidang-bida sa free concert na ito, ang Join the Club at ang Tanya Markova. Suwerte nila kasi binigyan sila ng magandang tsansa ng Araneta mall at suportado pa sa publicity. Ang daming banda pero sila ang nakuha. Parang ang lakas nila sa management ’no?
Meron ding free concert ngayon sa The Plaza ng New Resorts World sa Pasay City na si Ely Buendia ang artist pero hindi nila nai-promote ng husto tulad ng ginawa sa Join the Club at Tanya Markova sa Araneta.
Ang Wolfgang at Razorback naman ay nagkaroon ng show kahapon (June 11) sa Tiendesitas sa Pasig City na parte ng Independence Day music fest ng nasaÂbing mall. Regular ang concert series nila mula nang pumasok ang Hunyo. At hindi pop artists kundi rock bands ang pinatutugtog nila sa kanilang Activity Center.
Sa katunayan, bukas (June 13) ay guest bands naman ng Tiendesitas ang The Jerks, Top Junk, at Juan dela Cruz. Juan dela Cruz, na hindi si Coco Martin, nasa mall? Ang lupit ’di ba? Pero medyo suki na talaga sila ng Tiendesitas dahil ilang beses na silang doon tumutugtog. Ewan kung bakit.
Wala namang naririnig na pakulo mula sa SM Mall of Asia, Robinsons, at Ayala Malls. Baka ang pinaghahandaan nila ay ang Father’s Day sa Linggo na mas dadagsain ng tao dahil sa suweldo na sa Biyernes.
Nakapagtataka namang walang hinandang libreng konsiyerto ang Quirino Grandstand sa Maynila. Nung isang taon kasi ay malaki ang kanilang handog na selebrasyon. Samantala, ang kaisa-isang matapang na concert na may bayad ngayong Independence Day ay ang kay Rico Blanco sa Music Museum sa Greenhills, San Juan City. Ito ang kanyang kauna-unahang malaÂking concert mula nang mag-solo limang taon na ang nakalilipas at makapaglabas ng dalawang album sa kanyang sariling pangalan.
Pero sa ngayon ang balita ay ubos ang tiket sa concert ni Rico sa Music Museum. Congrats! At Happy Independence Day na rin sa ating lahat!
* * *
May ipare-rebyu? E-mail: kibitzer.na.nicher@gmail.com