Bf ni Karylle dedma pa rin sa kanilang relasyon

Dedma na lamang ang entertainment press sa pagdi-deny ni Yael Yuzon ng Spongecola tungkol sa tunay nilang relasyon ng singer-actress na si Karylle. Sa press launch kasi ng 12 interpreters ng Top 12 finalists ng 2013 Philippine Popular Music Festival (PhilPop), tinanong sila ni Karylle kung ano ang feelings nila dahil magkalaban sila. Interpreter si Karylle ng Sa ’Yo Na Lang Ako na sinulat ni Lara Maigue at interpreter si Yael ng Segundo na sinulat ni Paul Armesin. Sagot naman nila, basta pagbubutihin na lamang nila ang pagpi-perform nila sa grand finals sa July 20 na gaganapin sa Me­ralco Theater sa Ortigas, Pasig City.

But in fairness kay Karylle, thankful sa kanya ang PhilPop dahil sa last minute na may nag-backout na mag-interpret ng song ay pumayag siya nang i-offer sa kanya kahit pa busy din siya sa kanyang shows sa ABS-CBN at sa mga corporate show.

Pagkatapos ngang ma-screen ang more than 3,000 submitted entries ay nahirapan sila talaga, sa pa­ngunguna ni Executive Director Maestro Ryan Cayabyab, na mapili ang Top 12 finalists dahil lahat ng mga composition ay magaganda. Tatanggap ang winner ng P1 million plus ang glass trophy na ginawa ni Ramon Orlina na maituturing na ring grand prize. 

Rafael handshake lang ang kontrata sa manager

Kadarating lamang kahapon ng umaga ni Rafael Rosell mula sa paggi-guest nila ni Marian Rive­ra sa Philippine Independence Day celebration sa Car­son City in California, diretso siya sa taping ng Maghihintay Pa Rin nila ni Bianca King dahil today, aalis naman silang dalawa papuntang Singapore para sa taping ng mga eksena roon na sa role niya as an Overseas Filipino Worker (OFW) na doon nagtatrabaho pero na-accuse ng rape kaya makukulong siya. Ratsada rin sila ng taping doon ni Bianca dahil kailangang makabalik niya sa bansa sa June 17 para sa ilang interviews bago naman siya umalis for Toronto, Canada kasama sina Dennis Trillo at Glaiza de Castro para sa GMA Pinoy TV doon.

Pagod man, para kay Rafael ay blessings ang lahat nang nangyayari sa kanya sa GMA Network, Inc. at sa bago niyang manager. 

Hindi ba mahirap iyon para sa manager niya dahil puwede rin niyang biglang iwanan ito? Hindi raw naman kaya siya ang talo kung iwanan siya ng ma­nager niya? Sagot ng aktor, basta maayos ang pag-uusap nila ng kanyang manager at may trust siya.

 

Show comments