^

Pang Movies

Ipinagsisigawan pa ang relasyon sa babae at ang pakikipag-away sa magulang: Charice nakapagpababa ng moralidad sa showbiz?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Marami sa mga taga-showbusiness ang nagpapaha­yag pa ng kasiyahan nang aminin ni Charice na siya ay isang lesbiana at may girlfriend na babae. Dahil dun ay marami tuloy ang nagsasabi na ang mga taga-showbiz ay talagang mababa ang moralidad, which is unfair.

Angel ‘di nagmamadali kay Phil

Inaamin na ni Angel Locsin na ngayon ay med­yo late na nga ang balak niya noong magkaroon ng pa­mil­ya. Sinabi niyang nauna siyang nag-isip na magkaroon ng pamilya sa edad na 22. Pero hindi nga nangyari ang ganoon at ngayon ay 28 years old na siya.

Totoo ang sinasabi ng iba na siya kasi ang breadwinner ng kanilang pamilya at napakaganda ng takbo ngayon ng kanyang career na nagbibigay sa kanya ng assurance na matutulungan niya ang pamilya niya. Marami kasi ang naniniwala na baka kung mag-aasawa na siya ay natural magiging limitado na ang role na maaari niyang gawin. Kailangan siyempreng konsultahin muna niya ang kanyang asawa. Kung magbubuntis pa siya, matagal na bakasyon iyon.

Kung sabagay, sinasabi nga ni Angel na hindi naman masasabing kung titigil siya sa kan­yang career ay kakapusin na siya ng pang-suporta sa kanyang pamilya. Siguro naman ay may naipon na rin siya at saka may pinasukan na siyang mga negosyo.

Pero sayang nga naman ang pagkakataong kumita siya ng malaki. After all, bata pa naman siya at siguro nga may ilang taon pa siya bago isipin ang pag-aasawa.

Tutal naman mukhang sigurado na siya sa kanyang love life, bukod doon may advantage rin naman ang mahabang ligawan. Mas mag­kakakilala sila. Mas malalaman nila kung ano ang maaaring hindi nila mapagkakasunduan pagdating ng araw at masasabi na nila bago sila magpakasal na talagang kabisado na nila ang isa’t isa at kung pakakasal man ay forever na iyon.

Kabaklaan talamak sa TV, matinding hamon kay MTRCB Chairman Toto

Palagay namin, isang matinding hamon kay Movie and Television Review and Classification and Board Chairman (MTRCB) Toto Villareal ang nangyayari ngayon sa telebisyon. Hindi lamang dumarami na ang mga baklang performer, na ang iba ay nagdadala pa nga ng medyo bastos na mga number na nadala nila mula sa comedy bars na kanilang pinagmulan, ngayon ay lumalabas na sa telebisyon ang kuwento ng kabaklaan.

Wala namang masama sa bakla pero ang masama roon ay ang kanilang ginagawang “pakikipagrelasyon” sa kanilang kapwa lalaki. Marami ang hindi kumikibo sa mga komedyanteng bakla. Eh ano ba ang masama kung bakla sila? Pero kung ang mga kuwento ay kumukunsinti na sa kabaklaan, iyon ang medyo delikado.

Una, hindi pa talagang tanggap ng lipunan ang ganung sitwasyon at ang masaya lang ay ang mga bakla. Ikalawa ay labag sa batas ng simbahan at maging ng anumang iglesiya, maliban doon sa isang iglesia na binubuo ng mga bakla, na kung saan illegal ding ikinakasal ang mga bakla.

Dapat nga ba ’yang kunsintihin sa TV? Kung sakali, ano naman kaya ang magiging ratings?

ANGEL LOCSIN

CHAIRMAN TOTO

KUNG

MARAMI

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION AND BOARD CHAIRMAN

NAMAN

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with