Allen Dizon masyadong seloso, nambubugbog!
Excited na si Allen Dizon sa bagong pelikulang Lauriana na sinulat ni Ricky Lee at sa direksiyon ni Mel Chionglo. Naiiba ang karakÂter na gagampanan dito ni Allen bilang si Samuel Corazon, isang sundalo na iniwan ang asawa at nakisama sa isang napakagandang baylerina na si Lauriana.
Nangyari ito noong 1950s sa isang maliit na bayan sa Lucena, ang Padre Burgos. Masyado ring obsessed ang role ni Allen sa kinakasama at may ginawa siyang ’di kanais-nais na first time lang na mapapanood sa pelikula.
Tinanong namin ang aktor kung pang-award ba ang pelikula.
‘‘Maganda ang movie, pang-award ang akting ko na mapapansin ng mga kritiko. Mambubugbog ako ng babae na never kong gagawin sa tunay na buhay.
Masyado akong seloso at dahil sa sobra kong pagmamahal kay Lauriana ay may gagawin ako sa kanya. From being a good guy ay magiging bad guy ako sa pelikula,’’ pahayag ni Allen.
Sinabi pa rin ng magaling na aktor na komportabÂle siyang makatrabaho si Direk Mel dahil ang first award nito bilang best supporting actor ay ito ang nagdirek - nanalo siya sa Philippine Movie Press Club at FAMAS. Mula noon ay nahasa na si Allen sa pag-arte at nagkasunud-sunod na ang award.
Magsisimula na silang mag-shooting ngayong Linggo sa Quezon at si Rich Asuncion ang gumaganap na legal na asawa nito at kakasamahin naman si Bangs Garcia sa isang mapaghamong papel bilang si Lauriana.
Child actor na si Adrian tuloy ang pag-aaral
Kasama rin sa Lauriana ang 10-year-old boy na si Adrian Cabido na nakalabas na rin sa Kidlat bilang young Derek Ramsay.
Nag-audition ito para sa Lauriana at nakapasa naman.
Grade six na si Adrian sa La Salle at nag-e-enjoy sa pag-aartista. Bata pa ay pangarap na nitong umarte kaya desididong pagbutihin ang trabaho.
Hindi naman nahihirapan ang batang aktor na pagsabayin ang pag-aaral at showbiz dahil inaayos nito ang kanyang schedule sa tulong ng kanyang mommy na lagi niyang kasama sa shooting o taping.
- Latest