Noong unang Awit Awards, na sinimulan ng yumaong kaibigang Oskee Salazar, kasama kami sa mga taga-industriya ng musika na naging hurado. ’Di ko malimutan na ang dakilang Armida SiÂguion-Reyna ay kasali sa mga first judge ng award-giving bodies.
Dapat talagang nandoon si Tita Midz. Marami kaming natutuhan sa kanya, pati na ang kasaysayan ng sinaunang Pinoy pop.
Pagkatapos ng apat na dekada, narito ang bagong Awit Awards, na ang Philippine Association of the Record Industry (PARI) ang nagtuloy. At least, higit na marami ng mga award-winning body for the music industry, kasama ang Star Awards for Music at KAMPI (Kapisanan ng mga Kompositor).
Lumabas na ang 2013 nominations ng Awit Awards. Would you believe na kahanay nina Lea Salonga, Aiza Seguerra, Sarah Geronino, at Angeline Quinto si Julie Anne San Jose?
Sa best performance by a male recording artist naman, mahigpit ang laban nina Martin Nievera, Noel Cabangon, Gary Valenciano, at Joey Ayala. Pawang mga batikang mang-aawit/composer!
Ang rapper na si Gloc-9 ang nakatanggap ng pinakamaraming nominations — anim lahat, kasama ang Song of the Year. Kung natandaan pa ninyo, nagwagi ng limang Awit Awards si Gloc-9 noong 2010.
Yasmien hindi makalimutan ang lahing Arabo
Halatang kapapanganak pa lang ni Yasmien KurÂdi. Overweight pa siya at tuloy ang breastfeeÂding sa kanyang six-month-old baby. Dahil sobra sa gatas ang lactating mother, nagdo-donate siya ng kanyang sariling milk sa mga hospital.
Madali namang mapanatiling sariwa ang gatas ng tao. Ilagay lang agad sa mga feeding bottle at i-refrigerate.
Kasali na si Yasmien sa Anna Karenina at paÂÂÂÂreho silang malusog ng kanyang daughter na si AÂyeÂsha Sara. Pati sa pangalan, ’di makalimutan ng aktres ang kanyang laÂhing Arabo from her own father.
Kahalagahan ng production design sa pelikula ipinaliwanag ni direk Brillante
Resource speaker ng Philippine Movie Press Club (PMPC) si Direktor Brillante “Dante†Mendoza, sa second day ng seminar in Sentosa sa Elenita, Los Baños, Laguna.
Naging more familiar kami sa alternative filmmaking sa mahigit na dalawang oras na pakikipag-usap sa multi-award winning director.
Naipaliwanag sa amin kung gaano kahalaga ang production design sa mga indie film. Being a PD himself, before he directed movies, laging si Direk Dante ang production designer sa kanyang mga pelikula.
Gusto niyang laging maging natural ang ayos ng mga artista, pati na ang mga background o environÂment, sa lahat ng kanyang pelikula. Higit din naÂming nalaman ang malaking kaibahan ng alternative o indie, sa mga mainstream movie. Kulang ang dalawang oras, sa marami pang gustong i-share sa amin si Direk Dante.
Kulang pa ang P100K na monthly allowance, Direk panay ang hingi ng datung na pang-casino sa alagang aktor
That Thursday evening at Sentosa Elenita was a night of blind item exchange. Naglabasan ang mga natatagong kuwento tungkol sa mga artista at mga popular showbiz personality. Kaya ang mga columÂnist at radio-TV personality na kasama namin, meron ng sapat na materials for more than a month.
Ang isa sa mga naging bida sa mga blind item, ang director na kulang pa ang allowance na P100,000 a month mula sa kanyang discovery na durable star. Naging sugapa kasi sa casino si Direk!
Sa tuwing kinakapos, tawag agad siya sa sikat na artista. Hihirit pa ng additional P50K na pinapadala naman agad sa kanya! Ang sarap naman ng buhay ni Direk!