Magkakapatid na Bautista producer na rin sa TV

Natutuwa kami at tuluy-tuloy ng pagpoprodyus ng tatlong magkakapatid na sina Mayor Herbert, Harlene, at Hero Bautista ng concert, pelikula, at telebisyon.

Malapit nang ipalabas ang Raketeros, Burgos, at sa June 15, sa susunod na Sabado, ay nagbabalik-telebisyon ang Ipaglaban Mo na mapapanood sa Channel 11 ng GMA News TV.

Ayon kay Hero, wala naman silang problema sa pagiging producer bagkus natutuwa sila at nabibigyan nila ng trabaho ang mga taga-showbiz. Magagandang palabas ang mapapanood simula sa June 15 sa ganap na 2:30 p.m.

Pambungad na palabas sa Ipaglaban Mo ang tungkol sa isang public school teacher na aksidenteng namatay sa labas ng eskuwelahan at hindi sakop ng school hour.

Hindi nagbigay ng tulong ang Department of Education (DepEd) gaya ng mga benefit para sa naulilang pamilya. Nagsampa ng kaso ang asawa nito laban sa DepEd. Magtuloy kaya ang kaso? Abangan ito sa pilot episode ng Ipaglaban Mo.

Atty. Sison tuloy ang pakikipaglaban

Samantala, 75 years old na si Atty. Jose Sison na siyang host ng Ipaglaban Mo. Sa edad niyang ito ay malakas pa rin siya at bukod sa pagiging TV host ay kolumnista pa rin ito sa sister paper ng PM na Pilipino Star Ngayon sa kolum na Ikaw at ang Batas tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.

Sa kasalukuyan ay aktibo pa rin si Atty. Jose sa nongovernment organizations gaya ng Katarungan Para sa Kababaihan at Kabataan (KKK) na tumutulong sa legal cases ng mga kababaihan at mga bata sa pangangalaga ng ahensiya ng welfare and development.

Si Atty. Jose pa rin ang chairman ng Board of Trustees ng Ipaglaban Mo Foundation. Naging lecturer din ito sa buong bansa sa mga convention tungkol sa abortion, death penalty, divorce, marriage, and family, at iba pang legal topics.

Sa kabilang banda, nagsisilbing narrator naman ng Ipaglaban Mo si Jophet Sison, anak ni Atty. Jose. Naging legal researcher si Jophet ng Sison Law Office mula 1989 hanggang 2000. Ngayong taon din ito ay naging assistant executive producer na siya ng Ipaglaban Mo.

Nag-aral si Jophet sa Ateneo at sa Manuel L. Quezon University.

 

Show comments