Ang kukulit ng mga batang bagong miyembro ng Goin’ Bulilit. Ipinakilala sila sa entertainment press last Wednesday at sa halip na kami ang magtanong sa kanila, sila ang nagtanong sa mga reporter. Imagine?
At ang hihirap ng tanong nila, huh!
Tinanong ba naman kung alin ba ang mas magaling, ENPRESS (Entertainment Press Society) o PMPC (Philippine Movie Press Club)? ’Kaloka!
Tinanong din nila kung sinu-sino pa ba ang mga bading at lesbian sa showbiz.
Pati ’yung tungkol sa joke ni Vice Ganda kay Jessica Soho ay tinanong din nila.
Tawa tuloy nang tawa ang mga reporter at nag-enjoy sa kakulitan nila.
Ang pinaka-kontrobersiyal na natanong ng mga bata ay kung puwede pa raw bang bumalik si Willie Revillame sa ABS-CBN.
At ito ay sinagot ng business unit head na si Linggit Tan.
“Hindi puwede for the moment. Nagsalita na sina Ma’am Charo (Concio), CVV (Cory V. Vidanes), at si Gabby (Lopez) na hindi kaya iyon ang sagot ko. At saka, mababa ang ratings niya, ’di ba? Three percent?†diretsong pahayag ng executive.
Anyway, siyam lahat sila na mga papasok sa Goin’ Bulilit kasama na ang naging bida sa Little Champ na si JB Agustin.
Ang iba pa ay sina Aldred Nasayao, CX NaÂvarro, Lance Lucido, Aaliyah Belmoro, Allyson McBride, Ashley Sarmiento, Jillian Aguila, at Kazumi Porquez. Magsisimula silang mapanood this Sunday.
Bukod sa bagong batch ng Goin’ Bulilit, iniharap din sa press ang mga bagong papasok naman sa Luv U.
Dito na inilagay sina Kobi Vidanes at Alexa IlaÂcad na grumadweyt sa Goin’ Bulilit dahil malalaki na sila.
Bukod kina Kobi at Alexa, pasok din sa Luv U ang dating child stars na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Mika dela Cruz na ngayon ay teenagers na.
Charice hindi na magmi-makeup at bestida, mas gusto nang mag-boots
Bagong image na talaga si Charice ngayon. Ngayong nakapag-out na siya ay magkakaroon na raw ng pagbabago rin sa kanyang fashion and music. Ayon sa international singing sensation sa isang panayam sa kanya, more on boots na raw ang isusuot niya ngayon. Walang high heels at light makeup na lang ’pag may show.
’Yung mga bestida and skirts daw niya na daÂting ginamit ay hindi naman niya itatapon at itatabi niya for memories dahil naging parte raw ’yun ng journey niya.
Nagpahayag din ang isang record label sa Japan na at least ngayon ay hindi na sila malilito kung paano siya ima-market.
Sa music naman, medyo pahinga muna sa ballad at more on on pop and R&B na siya ngayon.
Ayon pa kay Charice, excited na siya sa mga pagbabagong gagawin niya in the coming days.
Coco tuloy ang paghahari
Patuloy pa rin ang paghahari ng No.1 superhero drama series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz sa national TV.
Patunay dito ang pinakahuling datos ng Kantar Media noong Lunes (Hunyo 3) kung kailan humataw ang teleseryeng pinagbibidahan ng Teleserye Prince na si Coco Martin ng 36.2% national TV ratings o 20 puntos na kalamangan kumpara sa pilot episode ng Anna Karenina na mayroon lamang 16.2%.