Kahit reyna na ang bagong title TF ni Juday hindi nadagdagan
Sa tagal na ni Judy Ann Santos sa industriya, naÂguÂgulat pa siya sa mga nararanasan niya mismo. Overwhelmed kasi siya sa lahat ng attention at pag-aalaga sa kanya ng ABS-CBN mula nang magsimula siyang magtrabaho sa Huwag Ka Lang Mawawala.
Ang bagong teledrama ang pagbabalik ng reyna sa kanyang favorite genre, kaya naman ang lahat ng bagay na bigay sa kanya ng network ay fit for a queen!
Ang tanging reklamo ng mga taong malapit kay Juday, hindi naman tumaas ang talent fee niya. The same pa rin ang suweldo niya dahil dati pa rin ang contract. Kapag pumirma ang aktres ng bagong kasunduan, tiyak na baka madoble na ang kita niya.
Kay Juday naman, walang narinig na reklamo. Tuloy ang pagbigay niya ng best effort upang tiyak na mapaganda ang Huwag Ka Lang Mawawala.
Helen Vela naalala sa Mga Basang Sisiw
Tuwing nanonood kami ng Mga Basang Sisiw, right after Eat Bulaga, lagi naming naalala ang isang tunay na Darling of the Press na si Helen Vela. Isa si Ate Helen sa tunay na nagmahal sa mga showbiz press. She was very generous to us. Lahat ng pinaka-importanteng happening sa kanyang buhay ay naging saksi kami at nakisalo sa kanyang happiness.
Kapag nakakuha ng mataas na rating ang TV version ng Mga Basang Sisiw with Maxene Magalona, as the malditang kontrabida, baka sakaling magkaroon ng remake ang pelikula.
Kung gusto ninyong umiyak tuwing hapon, watch kayo ng bagong tearjerker ng GMA 7.
Young actor ‘duty free’, inilaglag ng beking exeÂcutive
From his own account, nagreklamo ang isang young actor na hindi na siya binigyan ng bagong assignment sa kanyang nilipatang network. Ang dahilan, ilang ulit niyang tinanggihan ang mahiwagang imbitasyon ng TV executive, na dapat siya lang mag-isa kapag nagpunta siya sa lovenest ng beki!
Nagdamdam ang rich gay kaya frozen delight ang pogi. Iba naman ang salaysay ng mga insider sa sitÂwasÂyon. Isang text lang daw sa aktor ay nagmamadali pang pinuntahan ang baklesh!
Kaya lang na-turn off ang gay who has everyÂthing, except love siguro, dahil sobrang duty free (maliit) ang artista. Daig pa ang naghanap ka nang kung anong bagay sa makapal na damuhan! Kawawa naman ang aktor dahil marami na palang nag-drop sa kanya like a hot potato due to his shortcoming!
Direk Solito wagi sa New Zealand filmfest pero walang datung na nakuha
Nagwagi ang Busong ni Aureaus Solito ng International Indigenous Award sa Wairoa Maori Film Festival in New Zealand. TuÂmangÂÂgap ng magandang tropeo ang direktor pero tila walang cash prize.
Well, nandiyan naman ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) upang magbigay kay Solito ng incentives para sa bagong karangalang bigay niya sa bansa at sa ating film industry.
Baguhang singer nag-aambisyong mag-aral sa eskuwelahan ni Frank Sinatra sa New York
Tinanong ako ng isang bagong singer kung paano siya makakapag-enroll sa Frank Sinatra School of the Arts, in Queens, New York. Merong bahay sa nasabing distrito si Direktor Gil Portes. Baka sakaling alam niya.
Puwede ka ring mag-inquire sa U.S. Embassy at baka kumuha ka ng TOFEL exam (para ito sa proficiency in English) bago ka bigyan ng application na makapag-aral doon. Kung meron kang sapat na budget, madali ka namang makakapasok sa nasaÂbing school.
Jessica hindi napataob ang album ni Daniel
No. 4 na sa music charts ang bagong album ni Jessica Sanchez na Me, You & The Music. Siyempre nasa No.1 pa rin ang DJP album ni Daniel Padilla, na hanggang ngayon mahirap kabugin sa top spot.
Ang album na Pusong Bato ay kasali sa Top 10 ng OPM Charts. Marami pa ring music buyers na hindi nagbago ang taste.
- Latest