Masayang nagkuwento si Judy Ann Santos na hindi lang basta sampalan ang mapapanood na engkwentro niya sa mga kasama sa bagong teledramang Huwag Ka Lang Mawawala na sina KC Concepcion at Mylene Dizon.
‘‘Naku, talagang basag-ulo ang mga awayan namin dito,’’ nakangiting pahayag ni Juday. ‘‘KailaÂngan talaga ang mga pinag-aralan naming martial arts para matuto kami at ang lahat ng mga manonood na kababaihan ng self-defense.’’
Bukod sa iyakan, tipong action din ang Huwag Ka Lang Mawawala.
Agad napigil ng reyna ng soap ang pagbanggit sana ng isang nagtanong kung kanino nakuha ang chaÂracter ng isang battered wife na ginampanan niya.
‘‘Nagkataon lang na nakasabay ang paglabas ng aming teledrama,’’ pagtutuwid ng aktres sa pagdaÂdaÂwit ng isang kapwa niya artista sa kuwento ng show. “Hindi na sadya ang tila perfect timing sa isang balita.’’
Kahit kitang-kita kung gaano namumuhi ang isa’t isa sa teleserye, gustong ipaalam ni Juday na toÂdo suporta siya kay KC Concepcion off cam.
“Bago mag-take, nakaalalay kaming lahat kay KC. Ngayon lang siya tumanggap ng kontrabida role. Kaya dapat may assurance siyang tama ang ginagawa in every take. All of us are very proud of KC, sa husay ng kanyang performance,†dagdag pa ni Juday, ang pagiging maldita ni KC sa Huwag Ka Lang MaÂwawala ay may sapat na dahilan. Kaya pati si Sharon Cuneta, maÂwawala ang pag-aalala, kaÂpag napanood ang kanyang daughter playing a most challenging role in her acting career.
Mga kanta ng Sugarfree ipapasok sa musical, inayos pa ng classic pianist
Marami nang naghihintay ng bagong stage musical na Sa Wakas featuring songs of SuÂgarÂfree, re-arranged to give them a rock/Broadway feel by classic pianist Ejay Yatco.
Kasama sa 25 kantang maririnig sa musical ang bagong likha ng Sugarfree frontman na si Ebe Dancel, Bawat Daan. Gumamit ng pop/rock elements si Yatco at iba pang tunog upang higit na maabot ng mga manonood ang lahat ng bagay na gustong ibigay sa mga manonood.
Nakatakdang lumahok si Yatco sa World Championship of Performing Arts in the classical piano category in Hollywood this July. Next year itatanghal ang kanyang sinulat na first stage musical, Toilet, The Musical.
Rachelle Ann makakapareha ang Aladdin ng Broadway
Magsisimula nang itanghal ang Disney’s Tarzan sa Meralco Theater (Pasig City) on June 14 with Dan Domenech playing the title role and Rachelle Ann Go as Jane produced by Viva Atlantis Theatricals.
Huling hinangaan si Domenech nang gumanap siya ng bida sa Disney’s Aladdin in Broadway. Si Rachelle Ann naman, umani ng papuri sa local production ng Little Mermaid.
Jodi wala pang desisyon sa kasal kay Jolo
Pahayag ni Jodi Sta. Maria nananatili pa rin ang kanyang faith sa pag-ibig pero hindi pa siya handang magplanong magpakasal sa iba.
Nasa proseso pa ng annulment ang kasal niya kay Pampi Lacson kaya’t halatang ingat na ingat sa kanyang mga sinasabi at kilos ang aktres. Hindi naman niya ikinakaila na happy siya sa pagtulong na ginawa kay Jolo Revilla noong eleksiyon.
Ang speculation ng iba, magaganap ang isang kasalan between them this year. Mahirap magmadali at hindi pa masasabi kung kailan ibibigay ang decision ng korte tungkol sa kasal nila ng dating mister.
TV shows na nakakabastos ala-comedy bar naka-monitor na
Three consecutive years nang napili ng Reader’s Digest na kasali sa Most Trusted Personalities ang broadcaster na si Jessica Soho. Kaya ang insultuhin siya ng isang kasamahan sa TV industry ay diretsong kaÂbastusan.
Tama ang desisyon ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na mag-monitor ng mga TV show na ang ginagamit ay mga material sa mga comedy bar. Sanay kasi sa pagmumura, panlalait, at pambabastos ang iba na ang akala lahat ng kanilang kahalayan ay nakakatawa at maaaring ipalabas sa mass medium tulad ng television.
Ang mga TV show na madalas-dalas mag-guest ng mga beking komedyana, kailangang rendahan na kapag nasa harap ng TV camera. Madalas walang preno ang kanilang mga bunganga kahit nakakasagasa at nakakabastos.
Ibang klaseng komedya ang hatid nila, na bagay lang sa mga lasing na customers sa comedy bar.