^

Pang Movies

Hindi nauubusan ng problema: Claudine ninakawan ng mga alahas worth P8 million, PA ang suspect

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi na naubusan ng problema si Claudine Barretto. Matapos ang away nila ng ka­patid na si Gretchen, may bagong isyu kay Claudine — ang pagnanakaw sa kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng P8 million.

Ang personal assistant ni Claudine ang suspect sa nakawan na nangyari sa mismong bahay nila sa Marikina City. Nakakulong na ang suspect pero tu­manggi si Claudine at ang kanyang mis­ter na si Raymart Santiago na magsalita tungkol sa bagong pagsubok sa buhay nila.

Anak ni Wally Bayola na 17 years old may tumor

May tumor ang 17-year-old daughter ni Wally Bayola na nagi­ging emosyonal kapag napag-uusapan ang anak na may sakit.

Dasal para sa kaligtasan ng anak ang hinihi­ling ni Wally mula sa mga tao. Naniniwala si Wally na malaki ang maitutulong ng dasal para gumaling ang kanyang anak. 

StarStruck Avenger na si Stef Prescott 6 na buwan nang buntis

Six months pregnant ang StarStruck Avenger na si Stef Prescott. Baby boy ang ipinagbubuntis ni Stef na pupunta sa Amerika sa June 7 para isilang doon ang kanyang panganay.

American citizen si Stef kaya hindi siya magkakaroon ng problema sa US Immigration kapag napansin ang kanyang tiyan na malaki na. Naging cover girl ng FHM si Stef at nagkasunud-su­nod ang project niya sa GMA 7 nang magpaseksi siya. Natapos noong March 2012 ang kontrata ni Stef sa Kapuso Network. Naka-focus ngayon ang atensiyon ni Stef sa motherhood. Dedma muna siya sa kanyang showbiz career.

Marian imposibleng makipagkita sa manager

Habang binabasa ninyo ito, nasa New York na si Marian Rivera para sa show ng GMA Pinoy TV.

Sina Marian at Sen. Bong Revilla, Jr. ang mga Kapuso star na inimbitahan sa Philippine Independence Day celebration sa New York. Hindi magkikita sa New York si Marian at ang kanyang dating ma­nager na si Popoy Caritativo dahil nasa California ito, kasama si Dennis Trillo na perfor­mer naman sa show ng GMA Pinoy TV sa Vallejo.

Sina Sharon Cuneta at Aga Muhlach naman ang mga representative ng TV5 sa Philippine In­dependence Day sa New York. Excited ang mga kababayan natin sa New York na makita ang sikat na Pinoy stars.

Maraming Pinoy pinairal ang pagiging usisero sa pagsabog sa Serendra

Nakakalungkot ang pagsabog na nangyari sa Two Serendra noong Biyernes dahil may mga namatay.

Bale ba, freak accident ang nangyari dahil nadaganan ng lumipad na debris mula sa sumabog na condo unit ang delivery truck na may tatlong pasahero. Kung sino pa ang mga tao na nasa loob ng sumabog na condo unit, sila pa ang nakaligtas.

Nakakaloka rin ang mga kababayan natin na imbes na tumakbo palayo mula sa pinangyarihan ng pagsabog, lumapit pa sila para makiusyoso. Kitang-kita sa mga news program sa TV ang footage ng kanilang pag-usyoso. Nahirapan ang mga pulis na paalisin sila dahil sa kawalan nila ng disiplina. Katsipan talaga ang inasal ng mga usisero na nakasagabal sa imbestigasyon.

vuukle comment

AGA MUHLACH

CLAUDINE

NEW YORK

PINOY

SHY

STEF

STEF PRESCOTT

WALLY BAYOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with