Bale eighty-eight na rin pala si Direk Eddie Romero nang mamatay siya noong isang gabi. Kung iisipin mo bonus na iyon dahil marami ang hindi na umaabot sa ganoong edad sa panahong ito. Pero ang nakakahinayang ay dahil maganda pa rin ang takbo ng kanyang isipan, marami pa rin siyang magagandang ideya na maaaring gawin para sa industriya. Maaaring hindi na siya makapagdirek ulit ng pelikula dahil sa kanyang edad at talaga namang pinahina siya ng cancer, pero iyong mga ideya niya magaganda pa.
Wala pa rin kaming nakikitang kasing dedicated niya sa industriya ng pelikula. Hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng Mowelfund, na siya namang nagbibigay atensiyon sa mga maliliit na manggagawa sa industriya ng pelikula,at pahuhubog sa mga baguhang filmmakers. Miyembro rin siya ng Cinema Evaluation Board (CEB), ang grupong nagbibigay ng tax rebate sa mga pelikula.
Maraming magagandang pelikulang naiwan sa atin si Direk Eddie Romero. Natural naman kaya nga national artist for films siya. Pero ang hindi namin makalimutang mga kuwento ay iyong panahong aktibo siya sa paggawa ng mga foreign films. Oo at hindi nga malalaking pelikula iyon sa abroad. Ang tawag nga nila roon ay “B movies†kasi maliit ang budget, pero magagandang pelikula iyon, at maraming ginawang ganoon si Direk Eddie Romero. Iyong iba nga napapanood pa namin sa cable, at nagugulat kami paglabas ng credit titles dahil siya pala ang director.
Basta binanggit mo ang pangalan ni Eddie Romero, agad na papasok sa isipan mo ang napakaraming mga klasikong pelikulang Pilipino na kanyang ginawa. Maiisip mo ang isang masigasig na leader ng industriya na naging director general ng Film Academy of the Philippines at mataas na opisyal din ng Mowelfund. Isa siya sa mga nagtayo ng directors’ guild at dati ring kasama sa PMPPA, ang samahan ng mga film producers.
Si Eddie Romero ay isang tunay na artist. Sayang at binawian siya ng buhay bago pa man masabing may makakapalit na sa kanya.
Amalia Fuentes may conflict agad sa mga katrabaho
Umayaw na si Amalia Fuentes sa teleseryeng Muling Buksan ang Puso, na hindi lamang magsisilbi sanang comeback niya, kung di pagbabalik din ng rivalry nila ng isa pang movie queen, si Susan Roces. Inamin naman ng ABS-CBN na ang dahilan ay kaunting conflict sa kanilang production team, at hindi nga nagkasundo dahil sa demands ng taping na sinasabi ng aktres na kakain nang malaki sa kanyang schedule.
Tinanggap naman daw ng ABS-CBN ang resignation ni Amalia dahil kung magkakaroon nga naman ng problema dahil sa differences na nangyari at sa schedule, hindi rin maganda iyon para sa show. Kaya nga kahit na may announcement na silang nauna, may mga pictorials na para sa serye, hindi na nga matutuloy iyon. Pero tuloy ang Muling Buksan ang Puso, mukhang hahanap lang sila ng makakapalit ni Amalia Fuentes. Sayang naman.
TV5 nag-aalok sa lahat ng empleyado ng early retirement
Nag-aalok na ang TV5 ng early retirement sa lahat ng kanilang empleyado. Lahat daw ng aalis ay makakatanggap ng dalawa’t kalahating buwan sa bawat taon nila sa network, bukod pa sa ibang benepisyo. Ginagawa iyan ng management para maiwa-san ang mas malaki pang pagkalugi ng network.
Mali kasi ang maraming diskarte nila eh, kaya nangyayari ang ganyan. Saan naman kaya pupulutin pagkatapos ang mga empleyado nila na kukuha ng early retirement benefits, eh maliit lang naman iyon considering na dalawang taon lang halos ang mga bagong may ari ng TV5.