Anne at Jasmine, sabay magka-college!

 Sabay mag-aaral sa college ang magkapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith.

Kahit na very successful na ang magkapatid na ito sa kanilang showbiz careers, ang pag-aaral pa rin ang kanilang tinuturing na best career sa buhay nila.

Kaka-graduate lang ni Jasmine ng high school mula sa Loyola College in Melbourne, Australia. Sa Ateneo de Manila University siya naka-enroll para sa kanyang college studies.

“Papasok na ako sa Ateneo as a communications student and siyempre nakakanerbiyos kasi new environment.

“Wala akong kilala na ibang estudyante na papasok dun so I’m very nervous about meeting new people.”

Wala raw magiging problema between school at sa work niya sa TV5. Very understanding daw ang TV5 sa kanyang nais na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nag-enrol din ang Ate Anne niya sa isang Open University in Australia.

“I enrolled and I’m aiming for a Bachelor in Education,” sey ni Anne.

“Magka-batch kami ni Jasmine pero siya full time eh, hindi ko pa kayang mag-full time. At least I have a fall back and at least it’s something that I love. I love children! I may be 28 but it’s never too late to start college.”

Maxene at Renz patung-patong ang ‘di pinagkasunduan

Umabot din ng walong buwan ang relasyon ni Maxene Magalona kay Renz Fernandez bago sila naghiwalay noong nakaraang buwan.

Inamin ni Maxene na ginawa naman daw nila ni Renz ang lahat para maisalba nila ang kanilang relasyon, pero mukhang hanggang doon na lang daw talaga ito.

“Kami ni Renz, we wanted to make things work. Kaya umabot kami ng eight months. Pero lumalabas pa rin ‘yung mga nagiging problema namin with one another.

“Marami pala kaming hindi napagkakasunduan at nagkapatung-patong na yon. But we’re friends naman.

“Ayokong umabot kami sa samaan ng loob ni Renz. Maliit lang ang mundong ginagalawan natin, lalo na rito sa showbiz,” paliwanag ni Maxene.

Nataon namang nabigyan si Maxene ng isang importanteng role sa bagong afternoon series ng GMA-7 na remake ng 1981 drama film na Mga Basang Sisiw. Gaganap si Maxene in her first kontrabida role bilang si Vicky Santa Maria.

Robert nilayasan na ang bahay nila ni Kristen

Tuluyan nang umalis si Robert Pattison sa bahay na pinagsasamahan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Kristen Stewart in Los Angeles.

Bumalik na nga raw ang Twilight hunk sa kanyang Spanish-style villa na ilang miles lang ang layo sa bahay ng kanyang ex-girlfriend.

Nakita ng mga paparazzis na may isang mala­king van na lumalabas mula sa bahay nila Robert at Kristen. Nalaman nila na ang laman ng moving van ay mga gamit ni Robert at naglilipat na nga ito.

Namataan si Robert na mag-isang namimili sa isang convenient store sa downtown LA. May dinaanan din ito sa isang medical building.

Samantalang si Kristen ay naabutan ng mga paparazzis sa isang underground garage ng isang building. Mabilis daw itong sumakay ng kanyang sasakyan at umalis na sa naturang building.

 

Show comments