Nakakatuwa na maraming senior stars ang gustong mag-try na namang umakting sa television.
Isang veteran actor ang nagtanung-tanong sa mga kasabayan niya kung paano ang pagti-taping ngayon dahil interesado siya.
Nagpadala na nga siya ng feelers sa isang big TV network na gusto niyang mag-comeback.
Ikinatuwa naman ito ng network dahil naghahanap sila talaga ng isa pang medyo veteran actor para sa kanilang ginagawang soap.
Pero hindi na nagkaroon ng formal na usapan dahil nagbago raw ng desisyon ang veteran actor nang magtanong ito kung sinu-sino ang bubuo sa cast.
Mayroon kaya sa cast na ayaw niyang makasama?
JLC nabuking na hindi totoong nag-LBM, mas piniling sumama sa iba kesa tumanggap ng award
Nakausap namin ang producer ng 44th Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial SchoÂlarÂship Foundation kung bakit hindi nakarating si John Lloyd Cruz (JLC), 2012 Box Office King sa coroÂnaÂtion night.
Nagpasabi raw si JLC na may LBM siya pero magta-try na humabol dahil medyo late na rin naman ang pagbibigay ng award sa kanila ng Box Office Queen na si Bea Alonzo. But later on, nagsabi na raw ang road manager ni JLC na hindi na talaga makakaraÂting ang actor.
Actually, dalawa raw ang hindi nakarating, si Coco Martin na nanalong Prince of Television award. Pero naospital that day si Coco, at naniwala silang totoo iyon dahil lagi talagang uma-attend si Coco ng mga awards night unless, very valid ang reason nito para hindi maka-attend.
Okey na raw sana ang reason ni JLC, until nalaman nila na nag-attend pala ito ng isang event na kaÂsama ang fashion designer na si Charina Sarte na kasabay ng awards night nila. Marami kasing luÂmabas sa instagram na kuha sa event na magkasama sila.
Muling nabuhay ang rivalry sa acting ng magkaibigang Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz sa Mundo Mo’y Akin ng GMA 7. Parehong mahusay ang dalawa, pero nakahihigit si Sunshine sa mga tweets at comments dahil mas pinapanigan siya ng mga televiewers.