Ang paboritong tsika last week, higit na malaÂking talent fee ang tinanggap ni Tirso Cruz III kay Nora Aunor para magtambal silang muli sa TV5 teledrama na When I Fall In Love.
Sa ngayon hindi pa natin alam kung magiÂging suporta lang sina Guy and Pip dahil mga role ng parents ng mga batang bituin sa palabas ang kanilang gagampanan. Kung sabagay, puwede namang bigyan ng bigger pay ang mga senior para sa suporta sa show.
Commercial model na hindi marunong mag-Tagalog pinagsasawaan ng beking produ!
Simula nang maging commercial model ang favorite partner ng producer kapag nakikipag-one-night stand, umiwas na ang beking tawagan ang menchu. Nagulat ang produ nang biglang lumapit sa kanya ang handsome guy, one night sa isang sosyal na bar sa The Fort.
Ibig mag-artista ng model. Payo naman sa kanya, mag-aral magsalita ng Pilipino. Hindi puwedeng maging aktor kung bulol o baluktot ang dila. Meanwhile, nag-rehearse muna ang dalawa ng isang intimate encounter, sa condo unit ng bading.
Barong Tagalog ipinagmamalaki ni Archie Alemania sa Cannes
Natatawa kami nang mabasa ang isang report tungkol sa Pinoy stars na dumalo sa katatapos na 66th Cannes International Film Festival. Binanggit ang mga artista at kung sino ang gumawa ng suot nilang pang-rampa sa red carpet at sa ibang sosyalan doon. Pagdating sa name ni Archie Alemania, tanging sinabi, nagsuot siya ng barong Tagalog.
Maganda naman siyang magdala ng ating national wear. Kahit sino ang magsuot ng barong, maging sa ibang bansa, very proud tayo kahit sabihin pang sa SM o sa Central Market ito nabili. Lagi tayong very proud sa pagiging Pinoy!
Protesta ng simbahan sa mga bakla sa Santacruzan, huli na!
Matatapos na ang Mayo, saka pa lang lumabas ang mga protesta ng simbahan na huwag payagan ang mga baklesh na mag-Santacruzan. Isa kasing banal na seremonya ito tungkol sa paghanap at pagkakita ni Reyna Elena at ng kanyang anak na si Prince Constantine ng Mahal na Krus.
Naglalaho nga naman ang pagka-banal ng okasyon kapag mga nagÂwaÂwalang beki ang rumarampa sa mga kalye dala ang crucifix at iba pang gamit sa Santacruzan.
Dahil very creative ang mga kafatid, sa halip na Santacruzan ay tinuloy pa rin nila ng mga sariling prusisyon na tinawag nilang Bulaklakan. Pawang fresh flowers ang dala nila, na iaalay sa Mahal na Birhen.
Depensa ng mga baklesh, meron naman silang karapatang mag-alay ng bulaklak sa Birheng Maria.
Noong buhay pa si Babette Villaruel, madalas siyang mag-join sa Bulaklakan. Ang nanay niya pa ang nag-iilaw at nagbibigay ng mga kandila sa gusÂtong mag-ilaw kay Babette. Inaabutan din ng mga pagkain, kendi, at pati pera ang ibang taga-ilaw ng yumaong TV personality/movie scribe!
Kabit ng bigtimer libangan ang pagtungga sa loob ng kotse habang naghihintay
Nagtataka ang mga sikyo sa isang parking lot ng building kung bakit iniiwang bukas ang aircon ng tinted car ng showbiz bigtimer kahit matagal ang meeting sa itaas ng may-ari ng vehicle.
Pilit nilang sinisilip sa tinted car ang loob ng sasakyan. Nandoon pala at naghihintay ang nababalitang seksing kabit ni Boss. Kapag nasa loob ng car, drink lang nang drink ang sexy. Kumpleto ang wines and spirits sa bar ng luxury car. Kapag inaantok ay matutulog na kaya’t kahit abutin ng ilang oras ang kanyang lover ay wala silang pakialam.
JM tensiyonado kay Daniel
Kapag naglalabas ng bagong album ang mga young recorÂding artist, natatakot sila na baka hindi maabot ang standard sa dami ng benta na laging ginagawa ni Daniel Padilla. Ang second album kasi ng teen idol, No. 1 agad sa hit charts paglabas. Patuloy pa rin sa top spot ito, kasama pa ang kanyang debut, eponymous CD na nasa Top 10 din.
Kaya siguro Tensyonado ang title ng second album ni JM de Guzman dahil Daniel Padilla is really a tough act to follow kung paramihan ng benta ang usapan. Kahit sabihin pang higit na pinagbuti ni JM ang kanyang new album, it is not certain kung makakasama ito kahit sa Top 20 lang ng hit charts.