^

Pang Movies

Kumpirmadong bakla male singer naiyak sa bar nang magkagulo ang mga lasing, natakot sa pinaretokeng ilong

SO...CHIMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakumpirma tuloy ang matagal nang hinala na bading ang male singer dahil sa naging kaguluhan sa isang venue na kanyang pinagtanghalan sa ibang bansa. Meron kasing pumasok na mga lasing na customers habang nagsu-show siya at pinapapalitan ang mga inaawit niya.

Nagreklamo ang mga nagbayad para manood ng show ni male singer sa mga lasing na pumasok. Noong pakiusapan ng mga bouncer na umalis sa naturang lugar ang mga lasing, doon na nagsimula ang gulo.

Habang nasa stage at natutulala sa mga nagaganap ay nagliliparan ang mga bote, silya, at mga plato.

Nagulat na lang ang male singer na biglang may lumipad na bote papunta sa mukha niya at mabilis niya itong nailagan.

Sa sobrang shocked at taranta ng male singer ay hindi niya alam na hawak pa niya ang microphone nang tumalak ito.

Muntik na raw kasing matamaan ang kapapaayos lang niyang ilong at bigla pa itong nag-iiyak sa stage.

Marami nga raw nagulat sa naging reaction ng male singer. Pero dumating agad ang mga kasamahan niya at hinatak na lang siya sa backstage.

Pero hawak-hawak pa rin daw ang microphone at naririnig pa rin nila ang pagtalak nito backstage. Hanggang sa may nakapansin na kasama niya ay biglang pinatay na ang mic.

Hindi na tinuloy ang show sa sumunod na gabi dahil masyado nang na-trauma ang male singer.

Dahil nga sa kaguluhan, nabuking tuloy ang tunay na kasarian ng male singer na sobrang concerned pa sa kanyang ilong.

Eula aminadong wala pang maipapakita sa katawan

Nag-18 years old na si Eula Caballero last May 23 at nagpapasalamat siya dahil sa mga sunud-sunod na blessings na natatanggap niya.

Una ay maganda ang pagtanggap ng kanyang series sa TV5 na Cassandra: Warrior Angel. Pangalawa ay ang pagkapanalo ng kanyang inang si Mary Lou Caballero-Simo bilang konsehal sa Boljoon, Cebu. At pangatlo ay ang pag-uwi ng kanyang amang si Euladio Simo mula sa Qatar kung saan ito nagtatrabaho.

Nagbakasyon nga silang pamilya sa Palawan bilang birthday treat ni Eula. Mabuti na lang at pinayagan siya ng TV5 na magkaroon ng ilang araw na day off from taping para makasama ang kanyang pamilya.

“’Yun na ang chance ko to be with my dad who is working in Qatar. The same with my mom who is based in Cebu. Dito kasi ako sa Manila nagtatrabaho kaya nagkakausap na lang kami via Skype or text-text lang kami.

“Ang sarap ng bonding namin. Alam kong matagal bago maulit iyon kaya nagpapasalamat ako sa TV5 for giving me that vacation,” sabi ng aktres.

At dahil 18 na nga si Eula, tinanong siya kung ready na ba siyang magpa-sexy tulad ni Ritz Azul na ready nang mag-all-out sexy sa bagong show nito na Misibis Bay.

“Magpa-sexy agad porke’t eighteen na ako?” tawa pa ni Eula.

“Hindi pa puwede. Sinabi ko naman noon pa na five more years pa. Kapag nag-twenty one years old na siguro ako.”

Dagdag pa niya, hindi siya confident sa kanyang katawan.

“Ngayon kasi wala pa talaga akong puwedeng ipakita. Baka pintasan lang ako. Tama na ’yung nakikita nila akong sexy sa costume ko sa Cassandra. Hanggang doon pa lang ang kaya ko,” pag-amin ni Eula.

 

 

vuukle comment

CEBU

EULA

EULA CABALLERO

EULADIO SIMO

HANGGANG

KANYANG

LANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with