Alfred natakot na baka malusaw ang lahat ng pinaghirapan kung hindi nanalo

Kahapon ay nagkaroon ng thanksgiving for the entertainment press ang kakapanalo lang na representative ng 5th District ng Quezon City na si Alfred Vargas upang magpasalamat sa mga taga-showbiz na patuloy na sumusuporta sa kanya simula nang pasukin niya ang pulitika mula sa pagiging councilor hanggang sa ngayong congressman na siya.

Para kay Alfred, itinuturing niyang isa sa factors ng pagkakanalo niya ay dahil sa pagiging artista niya.

“Definitely. Wala naman ako ngayon dito kung hindi ako artista eh. Sobrang grateful ko sa buong en­ter­tainment industry dahil kung sino man ako ngayon it’s because of the people who helped me along the way. Ayan sila, Nanay Lolit (Solis, his ma­nager), ’yung mga kaibigan ko from the press na tala­­gang sinubaybayan ang career ko, isinulat ako, nakilala ako ng tao.

“Sa political side naman ’yung nag-guide sa akin. Mentor ko si Speaker Sonny Belmonte, si Mayor Herbert (Bautista), Vice Mayor Joy (Belmonte).

“So, I’m really very lucky. So ’yung victory nito, it’s not a single victory of Alfred pero it’s a victory of the people around me. And I wanna say thank you guys sa inyong lahat kasi since I was starting my career eh nandidiyan na po kayo para sa akin,” sabi ni Alfred na feeling refreshed and relieved na.

Pero siyempre, isa sa malaking factors din ng pag­a­kapanalo niya ay nagsalita rin ang mga nagawa niya noong councilor pa lang siya.

“The best campaign is always performance. ’Yung three years ko as councilor maraming natuwa, marami tayong projects na nababa. Marami tayong natulu­ngan,” he said.

Pero aminado rin si Congressman Alfred na kabado rin siya before the elections dahil matitindi ang kalaban niya.

“’Yung last two days ng campaign hindi talaga ako nakatulog. I was awake for like seventy two hours for the last two or three days kasi sobrang kabado. Everything is at stake eh.

“Sabi ko nga sa sarili ko, ’pag hindi ako nakalusot puwede naman akong mag-artista ulit, wala namang problema. Pero siyempre ang laki na ng hirap at pagod mo, ’di ba? So, I’m really very grateful,” ngiti ng actor-politician.

Ngayong congressman na si Alfred, showbiz will take a backseat muna pero hindi naman siyempre niya puwedeng totally talikuran. Gusto pa rin niyang gumawa ng pelikula o teleserye kahit man lang once a year. Pero ang priority niya siyempre ay ang pagsisilbi sa bayan.

Jodi nahihiya sa pagiging open ni Jolo

Naaliw kami sa reaksiyon ni Jodi Santamaria sa TV Patrol nang kunan ng reaksiyon tungkol sa romantikong mensahe sa kanya ng boyfriend na si Jolo Revilla sa Twitter.

Habang nasa US kasi si Jodi kasama si Richard Yap para sa tour ng Be Careful With My Heart ay nag-tweet si Jolo ng “love, please call me.”

This means na talagang open na sila sa publiko tungkol sa kanilang relasyon.

Natatawang nahihiya si Jodi nang kunan ng reaksiyon ng TV Patrol. Hindi raw niya ine-expect na gagawin ’yun ng boyfriend na incidentally ay vice governor na ngayon ng Cavite.

Say ni Jodi na parang nahihiya, “He could have texted me na lang.”

In fairness sa dalawa, ang cute nila, huh!

 

Show comments