Richard sa Switzerland muna, nagpaalam nang hindi na makaka-promote ng pelikula nila ni Marian

How true na this early Richard Gutierrez has already sent words sa mga kinauukulan na he will not be around to help promote his movie with Ma­rian Rivera, My Lady Boss, na nakatakda pa namang i-showing ngayong June?

Determined na pala talaga si Richard to leave for Switzerland sa susunod na buwan purposely para ma­bisita ang kanyang lady love na si Sarah Lahbati.

Hanggang ngayon, wala pang makatiyak ng tunay na dahilan sa biglaang pag-alsa balutan ni Sarah when supposedly ay may pinirmahan siyang kontrata sa GMA 7.

Did we hear it right na determined din ang mga kina­uukulan sa GMA 7 na ituloy ang demanda against Sarah?

Well, ito ang ‘‘labanang’’ dapat abangan.

Of My Lady Boss, co-production ito ng GMA Films and Mother Lily Monteverde’s film firm Regal Entertainment, Inc. Both Richard and Marian kasi are under contract to her for films.

How true uli na hanggang June 10 na lang ang contract ni Richard sa GMA 7? Kaya raw (daw ha?) anytime soon din ay magtatapos na rin ang series niyang Love & Lies sa nabanggit na network.

Carla nag-zumba at boksing para mai-display ang katawan

Kahit nine months nang walang regular show si Carla Abellana hindi actually, kumbaga, naging stagnant siya. She has, after all, been guesting in one show after another sa GMA 7 where under contract siya.

But she admits na iba pa rin kapag may permanent show, halimbawa series, na tinututukan talaga ng mga televiewer.

Kaya welcome na welcome sa kanya ang kanyang upcoming series na My Husband’s Lover that will pair her with Dennis Trillo.

Already, Carla was told that the series will be an adult drama. Kaya medyo may mga delikadong eksena. Some scenes will give emphasis sa kanyang sexy body.

This is why nag-prepare talaga si Carla for the role. ’Di lang siya nag-diet at nag-workout, she also took up zumba dancing and, of course, boxing.

Kung minsan daw sumasama sa kanya ang boyfriend na si Geoff Eigenmann who is eager din to lose weight dahil sobra nga raw ang idinagdag nito sa kanyang timbang.

Two weeks din palang nagbakasyon sina Carla at Geoff sa Los Angeles, California where she had the chance raw to meet her BF’s grandparents (sa mga magulang ng ama ni Geoff na si Michael de Mesa), former actors Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Isang pastor na of a religious community si Eddie sa Amerika.

Jolo inip na inip na kay Jodi

Will Star Cinema make a movie out of the much highly admired and top series Be Careful With My Heart starring Jodi Sta. Maria and Richard Yap (popularly known as Ser Chief)?

’Pag nagkataon daw, isa ang pelikula sa magiging entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this year.

Balitang the cast of the series will be retained sa pelikula. At malamang din na si Direk Jeffrey Jeturian ang magdirek.

Right now, most of the members of the cast ng Be Careful… are still abroad as part of their commitment na personal na magpasalamat sa mga TFC (The Filipino Channel) subscriber dahil sa wala nilang sawang pagtangkilik ’di lang necessarily sa series kung hindi sa lahat ng shows ng ABS-CBN.

No wonder, inip na inip na raw ang newly elected vice governor ng Cavite na si Jolo Revilla sa pagbabalik ni Jodi.

Ina-acknowledge ni Jolo ang malaking naitulong ng girlfriend sa kanyang pangangampanya noong bago mag-eleksiyon.

Do we hear wedding bells?

Show comments