^

Pang Movies

Ate Guy certified senior citizen na!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Maligayang kaarawan, Ms. Nora Aunor!

Senior citizen na si Ate Guy. TV5 hosts a grand celebration on her 60th birthday this evening of May 21. Sana dumalo ang kanyang mga leading men – Tirso Cruz III, Manny de Leon, Christopher de Leon, Sen. Lito Lapid, Cesar Montano, at Konsehal Yul Servo.

Sobra pa sa isang TV special ang lahat na hit songs ng Superstar. Kaya lang ’di pa puwedeng gumawa ng ganitong show dahil hindi pa siya makakakanta. Na-imagine namin na nakikipag-duet siya sa mga leading singer tulad nina Pilita Corrales, Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at kasaliw niya ang isang full orchestra with a world-class Pinoy choir sa ilang number.

Sana mangyari na ito sa susunod na taon. Minsan napanood namin si La Aunor sa isang actual recor­ding ng isang album. Sa isang salangan lang in a studio ay nai-record agad niya ang pitong kanta. Medyo nahirapan lang siya sa maikling bahagi ng We’ve Only Just Begun ng Carpenters. Kaya inulit-ulit ang take ng parteng, “Together, together.”

AiAi sanay nang masaktan at lokohin ng lalaki

Kagustuhan at sariling pasya ni AiAi delas Alas ang magpa­loko at magdatung sa lalaki. Kaya wala kaming ma-feel na simpatiya kung siya man ay nagdurusa ngayon.

One unsolicited advice — ibaling mo ang sapat na panahon sa spiritual side ng iyong buhay. Hindi sapat ang magbigay ka ng malalaking abuloy sa simbahan at mga pari. Higit na mabisa ang personal na ugnayan sa Diyos na palagi mong kasama at nananahan sa iyong puso.

Bigyan mo rin ng sapat na atensiyon ang iyong mga anak na tunay na nagmamahal sa iyo. Sa halip na nilulustay ang perang pinaghirapan mo sa iba, mas mabuting ma­ideposito ito sa bank account ng iyong mga anak, o magsosyo kayo sa isang negosyo.

Ilang ulit na bang nangyari ang ganitong drama sa iyong buhay? Tila nasanay ka nang masaktan at lokohin ng mga taong walang K na iyong mahalin!

Erap nagpakilabot sa binitiwang pangako sa Manila

Kinilabutan kami sa mga salitang nangyari mismo kay Manila mayor-elect Joseph “Erap” Estrada: “Hayaan ninyong ibigay ko ang huling taon ng aking buhay sa paglilingkod sa mga mamamayan ng Maynila.”

Tunog prophetic ba? O baka may nararamdaman na si Erap? Sana naman slip of the tongue lang ang kanyang nasambit.

Oyo kontrang mag-Darna si Kristine?

Ang daming aktres na nabanggit sa mga pinagpipilian upang maging new Darna. Bigla na lang sumulpot ang pangalan ni Kristine Hermosa.

Tunay na diyosa ng kagandahan si Kristine kaya’t bagay sa kanya ang gumanap ng Pinoy Wonder Woman. Ewan lang kung she is fit enough to do dangerous action scenes.

Papayag naman kaya ang husband niyang si Oyo Sotto na magbihis ng very sexy Darna costume si Kristine? Siguradong payag si Oyo dahil artista rin siya at alam niya ang mga karapatan ng kanyang misis.

Isang bagay lang ang makakapigil kay Oyo na pigilan si Kristine. Kung hindi pa perfect ang kanyang curves to be Darna, tiyak tututol si Oyo Boy.

Christian nagsilbing malas sa Party P

Pinagbibintangang jinx o Malaysia (malas) si Chris­tian Bautista. Kapapasok lang kasi niya sa Party Pilipinas ay biglang natsugi ang Sunday noontime show.

Surely, hindi naman kasalanan ni Christian ang nangyari. Kung nawala na sa palabas ang mga frontliner, talagang dapat magbabu na sa ere. Tiyak namang may ipapalit ang GMA sa nabakanteng slot at sigurado rin na magiging mainstay sa show ang bagong lipat sa network.

Charice binabawalang bumirit sa panlalaking buhok

Nag-iba lang ng looks si Charice pinagbabawalan nang bumirit ng kanyang detractors. Sa pagkanta sumikat si Charice as international star. Walang karapatan ang kahit sino na pigilan siyang gawin ang sariling style ng pag-awit.

Dito siya pumatok sa bansa at ibang panig ng mundo kaya dapat ituloy niya ang pagbirit.

 

CHARICE

DARNA

ERAP

KAYA

KRISTINE

LANG

OYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with