Rhian hindi kayang patawarin ang ex

Nagulat at nalungkot si Rhian Ramos nang ma­la­man niyang today, May 19, ang Party Pilipinas: Take A Bow ang last episode ng kanilang Sunday noontime show na nag-host at nag-perform siya for three years.

“In a way happy na rin ako kasi kung wala pang ipapalit agad na show, at kung makakasama pa ako, I can finally have my Sundays back. Before kasi na wala pa akong Party P, after church we have our lunch pero ngayon dinner na after church. Pero tiyak malungkot na paalaman ito dahil three years din kaming nag-bonding every Sunday. Sayang din. Hindi na makakapagpaalam ang Indio dahil sa May 31 pa kami matatapos. 

“Ganoon din ang magiging feeling namin ng cast ng Indio sa last taping day namin dahil October 2012 pa magkakasama na kami sa halos araw-araw na taping. For a while, nangapa rin ako sa first ta­ping day namin dahil after three years na wala akong soap, ito ang ibinigay sa akin, mabuti na lang lahat ng cast ay nakatrabaho ko na sa GMA 7. First time ko lamang nakasama rito si Direk Dondon Santos,” say ni Diwata Magayon nang dalawin namin ang set nila ng Indio.

As to her love life, peaceful and relaxed daw ang relasyon nila of more than a year na ni KC Montero. Two petty fights pa lang ang nangyari sa kanila. Siguro raw dahil nag-mature na rin siya. 

Natanong tuloy si Rhian kung napatawad na ba niya ang controversial ex-boyfriend niya na si Mo Twister. Paano kung bigla itong bumalik ng Pilipinas?

“I have not forgiven him. I’m confident with our law and our justice system kaya alam ko hindi na siya makababalik dito,” sagot ng aktres.

Bodie nagpakita na ng katawan

Napansin namin na slim si Bodie Cruz as he plays the role of agent Daniel sa action-drama series ni Richard Gutierrez na Love & Lies. Nasagot ang tanong namin nang mapanood namin siya with some entertainment press sa musical play niyang Joseph the Dreamer sa SM Southmall Cinema sa Las Piñas City. 

Dito naman, Bodie plays Joseph na naging vice governor ng Pha­raoh ng Egypt that time kaya may costume siyang kita ang upper part ng body niya kaya biro namin kailangan pala niyang magkaroon ng abs. Saturday and Sundays ang presentation nila, every 3:00 p.m. at 7:00 p.m.  Every presentation ay may special guest singer sila. Last Saturday, si Tirso Cruz III ang kumanta ng He Opens a Window.

Nasabay sa rehearsal at presentation ng musical play ang taping ni Bodie kaya madalas ay diretso na siya sa location ng Love & Lies na madalas action scenes naman ang kinukunan sa kanila .

 

Show comments