^

Pang Movies

Kris Bernal ire-remake ang pelikulang Miss X ni Vilma!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tuloy ang remake ng pelikulang Miss X na unang pi­nagbidahan ni Vilma Santos. Si Kris Bernal ang gaganap sa title role ng updated ver­sion ng pelikula at ang original director nito na si Gil Portes ang mu­ling magdidirek, with Aljur Abrenica as leading man.

Nakatakda silang pumunta sa Amsterdam, Ne­ther­lands, latter part of September matapos ang Mas­ter Di­rectors Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). May entry kasi si Portes dito, Isang Tag-araw sa Buhay ni Twinkle Marie Pahanan, na si Kris din ang gumanap sa title role.

Co-producer sa project ang GMA Films na nag-invest ng P2.5 million, na dinagdag sa P1.5 million grant ng FDCP, sa bawat entry ng 12 master directors na napili nila.

Mukhang gustong buhayin muli ng GMA Films ang tandem nina Kris at Aljur dahil ang dalawa ang bida sa FDCP film ni Portes, bukod pa nga sa kanilang muling pagtatambalang Miss X.

Kylie maraming restrictions kaya direktor nakagapos ang mga kamay

Mukhang mapag-iiwanan naman ang career ni Kylie Padilla ng mga recent development sa GMA 7.

Mula sa isang insider, nasabi sa amin na nakagapos ang mga kamay ng producer at director kapag si Kylie ang bida sa kanilang project. Sobra kasi ang mga restriction kay Kylie kaya hindi mabigay ang lahat ng dapat gawin upang mapaganda ang kanyang TV show o pelikula.

Siyempre dala ito ng kanyang pagiging Muslim kaya bawal ang magpa-sexy at mga bold and daring scene.

Dapat pala sa Indonesia o Malaysia mag-artista si Kylie, na pawang mga wholesome ang mga film and TV project.

MMFF nagdagdag ng kategorya para sa animation

Tulad nang ipinangako noong isang taon, ang New Wave section ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ay higit na malaki at malawak ang sakop sa darating na 2013 festival sa Disyembre. Bukod kasi sa mga dating indie full-length, student short films, and cine phone entries, nadagdag pa ang animation short films.

Tunay na dynamic trio sina Ms. Digna Santiago (chair ng New Wave section), Director Mel Chionglo (chairman ng screening committee), at Director Paul Soriano (head ng student at animation categories) dahil they have achieved so much in so short a time.

Pang-apat na taon pa lang ng New Wave section sa MMFF and it has already become a spawning ground for young, world-class filmmakers. Ang mga winner na feature films sa indie division, ang best picture na The Grave Bandits, kalahok sa Asian Summer Film Festival at ipapalabas sa market section ng 2013 Cannes International Film Festival. Ang In Nomine Matris na nagwagi ng best actress at best gender sensitive awards sa 2012 MMFF, kasali sa Andalucia Film Festival at Jecheon International Music and Film Festival.

Ang iba namang winners sa MMFF New Wave noong mga nakaraang taon ay nakalibot sa maraming worldwide filmfests.

Marami ng mga Pinoy animation artists ang nangunguna sa mga film capitals sa buong mundo kaya’t nararapat na ang New Wave section ay mag-pioneer sa isang animation video competition sa MMFF with the Animation Council of the Philippines, Inc. (ACPI) as partner.

Ang mga ipapasok na animation short film videos in DVD format dapat may maximum running time na 12 minutes. Ang deadline for submission ay sa Oct. 4, 2013.

For details, visit the MMFF Secretariat at the Metropolitan Manila Development Authority Office sa Orense, Makati City. Big cash prizes are at stake, plus a chance to represent the country in worldwide film festivals.

Tagos sa Laman kakaiba ang atake

Palabas na ang second directorial comeback ni Lando Perez Jacob sa mga indie venue tulad ng Isetann-Recto, Vista, Star Mall Cinemas, at Remar matapos ang kanyang recent hit na Wanted Boarders.

Bida sa Tagos sa Laman ang actress/producer na si Elona Mendoza at kabituin sina Lando Jacob, Cloyd Robinson, at Neil Soliman.

Kakaiba ang style of making movies ni Jacob. Kaya masisiyahan kayo sa panonood ng Tagos sa Laman.

Condolences kay Elona na napatay ang brother sa Davao early this week. Kararating lang ng aktres sa Maynila upang asikasuhin ang playdate ng kanyang pelikula.

ALJUR ABRENICA

ANDALUCIA FILM FESTIVAL

ANG IN NOMINE MATRIS

FILM

LAMAN

MISS X

NEW WAVE

TAGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with