Bulag na nakakitang muli, himala nga ba?

MANILA, Philippines -  Himala bang matatawag ang panunumbalik ng paningin ng isang bulag? O may sapat na paliwanag ang siyensiya para rito?

 Iimbestigahan ni Atom Araullo ang kuwento sa likod ng bulag na milagrong nakakita muli matapos umanong mag-aparisyon sa kanya ang Birheng Maria ngayong Biyernes (May 17) sa Pinoy True Stories: Hiwaga.

 Matagal ng bulag si Mang Napoleon dahil sa sakit na glaucoma. Sa kabila ng kapansanan ay nagsikap pa rin siya at nagtrabaho bilang tindero ng tinapa at banana cue para mabigyan ng buhay ang kanyang pamilya. Bagama’t nakakaranas ng diskriminasyon mula kapwa tindero at muntikan ng masagasaan ng sasakyan, patuloy na nananalig si Mang Napoleon sa Poong Maykapal.

 Tila narinig ang kanyang pagsusumamo ng isang araw ay nagpakita sa kanya ang Birheng Maria na siyang nagbigay daan umano para manumbalik ang kanyang paningin.

 Himala nga ba ang nangyari kay Mang Napoleon?

 Huwag palalampasin pinakabagong kuwento ng kababalaghang handog ng Pinoy True Stories: Hiwaga sa pangunguna ni Atom ngayong Biyernes (Abril 26) ng hapon, 4:45 p.m., pagkatapos ng Glory Jane sa ABS-CBN.

Abangan din ibang mga bagong Pinoy True Stories hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng Bistado ni Julius Babao tuwing Lunes, Engkwentro ni Karen Davila tuwing Martes, Saklolo nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, at Demandahan ni Anthony Taberna tuwing Huwebes.

 

Show comments