Gumimik agad si Vin Diesel nang dumaÂting siya sa bansa para sa promosyon ng Fast & Furious 6 kung saan siya ang bida. Marami na itong mga kaibigang Pinoy dahil Pinay ang asawa ng kayang twin brother na si Grace Blanco.
Sumakay pa siya ng jeep at umikot ng The Fort sa Taguig at Ayala sa Makati kasama ang kanyang bodyguard.
Sa TV junket ay masayang-masaya ang aktor habang iniinterbyu at panay ang bati sa mga nakakasalubong sa labas ng kuwarto kung saan ginaganap ang interview.
Kuwento nga ng aking kasama, nang lumabas ito sa elevator dala ang pinggan at malapit nang maubos ang pagkain ay sumasayaw pa ang Hollywood action star.
Ilang beses na palang na-interview ng entertainment editor-columnist na si Ricky Lo si Vin Diesel sa ibang bansa. Nang magkita sila ay dala ni Ricky Lo ang kanyang artikulong lumabas sa The Philippine Star at nang iabot ito bago mag-interbyu ay natuwa ang aktor at sinabing ito ang best article na nabasa niya.
Iba naman ang idolo ni Tintin Bersola. Hanga siya sa galing ni Luke Evans na kasama rin ni Vin Diesel sa Fast & Furious 6. Ilang pelikula na ang nagawa nito gaya ng Immortal. Kaya abang to death ang ginawa nito sa labas ng kuwarto para magpakuha lang ng litrato. Kaso mahigpit ang mga banyagang coordinator ng Hollywood actor.
Pero nakalusot pa rin si Tintin nang lumabas si Luke. Sa pagmamadali ay ’di naka-focus ang kanilang photo. After lunch ay hinila-hila niya kami para magpakuha uli ng picture. Naghintay ito at nang dumating after ng lunch break ay sinalubong agad si Luke kaya nagpakuha uli siya ng litrato.
May kuwento naman si Luanne Dy tungkol kay Luke. Hanga ito at sinabing very warm ang mga Pinoy. After 10 years bago siya nakabalik ng bansa. Tinanong siya nito kung marunong magsalita ng Tagalog. Sagot ni Luke, marunong siyang kumanta ng Tagalog.
Nagparinig pa ito ng awitin, Kailangan Kita, na inawit uli sa Music Hall ng Mall of Asia at sa Centerstage cinema nang magkaroon ng red carpet premiere ang kanilang pelikula nung Miyerkules ng gabi.