Nakita na ba ninyo iyong bagong kumakalat na mga pictures ni Charice Pempengco? Aba nagulat talaga kami. Kung iyong nauna niyang picture kamukha lamang ni Kim Jung On, itong lumabas na kasunod na nakasando na siya at ipinapakita ang marami tattoo sa katawan, para na siyang si Asiong Salonga.
Doon sa nakita naming pictures, aba eh hindi na nga kailaÂngang hintayin pang umamin sa kanyang tunay na kasarian. Hindi naman niya masasabing kaya ganoon ang hitsura niya ay dahil may role siya sa isang pelikula o sa tv man lang na kailangang ganoon ang hitsura niya. Wala naman siyang ganoong ginagawa. Singer lang naman siya, pero parang Asiong Salonga talaga ang dating. Mukhang laging maghahamon ng away.
Ang lalong nakakabigla, may tsismis pang itinanan daw niya iyong Alyssa Quijano na naging contestant ng X Factor. At balak na raw niyang ibahay, pero natunton ng mga magulang at binawi. Walang kumpirmasyon kay Charice kung totoo ngang nangyari iyon, dahil hindi pa siya lumilitaw simula noon. Wala na rin namang sinabi ang mga magulang nitong si Alyssa, basta nabawi na raw nila ang anak nila. Natural iiwas din naman sila sa kahihiyan na ang anak nila natangay ng inaakusahang tomboy.
Hindi talaga nalalaman niyang si Charice kung ano ang kanyang ginagawa. Lahat iyan ay nakakasira sa kanyang image. Sayang kasi bihira ang nagkakaroon ng pagkakataong kagaya nang natamasa niya. Ilan lang ang Pinoy na talagang sumikat sa abroad, si Lea Salonga lang. Siya kahit papaano sana ay nagsisimula na siyang gumawa ng pangalan, pero sa ginagawa niyang iyan sa sarili niya, aywan kung papaano pa siya makakabaÂngon. Mukhang wala namang pabor sa ginagawa niya. Maski na nga ang ermat niya eh, tanggap na kung ano siya, pero hindi pabor sa ginagawa niya.
Sigurado marami rin naman siyang fans na nawalan na ng gana sa kanya dahil sa ayos niya ngayon.
‘Mas marami pa rin ang corrupt kaysa sa showbiz’
Marami ang nagsasabi sa amin, mukha raw showbiz na showbiz ang gobyerno natin ngayon. Isipin mo nga naman sa Metro Manila lang tatlong mayor ang maiuugnay mo sa showbusiness, sina Mayor Erap ng Maynila, Mayor Bistek ng Quezon City at si Mayor Guia Gomez ng San Juan, masasabing kahit na papaano may kaugnayan din sa showbusiness dahil pati apo niya artista na rin.
Vice mayor ng Maynila si Isko Moreno, at konsehal naman sina Yul Servo at Robert Ortega. Sa Quezon City, konsehal sina Roderick Paulate at Precious Hipolito, at congressman si Alfred Vargas.
Board member sa Quezon si Gary Estrada, sa Laguna si Dan Fernandez, si Jestoni Alarcon sa Rizal.
Governor naman ng Batangas si Vilma Santos, sa Laguna si ER Ejercito, at vice governor naman ng Bulacan si Daniel Fernando na halos wala raw kalaban.
Sabi nga nila marami raw showbiz ngayon sa gobyerno. Sabi naman ni Memeng Kamot, “hindi. Mas marami pa rin ang corrupt kaysa sa showbiz.â€
Gay matinee idol nag-aalok agad ng party drugs sa mga natitipuhang lalaki
Matindi pala ang style ng isang gay matinee idol. Basta may nakitang type niyang lalaki, inaalok agad ng party drugs. Mahuli sana siya, tawa ko lang.