Sigaw ng Noranians Kuya Germs mas malaki ang utang na loob, walang career kung hindi dahil kay Guy

Tutol ang ibang Noranians sa paghingi ng paumanhin ni Nora Aunor kay German Moreno dahil hindi nakadalo ang Superstar sa 50th anniversary show ng huli.

Say ng fans ni La Aunor, malaki ang utang na loob ng Master Showman kay Ate Guy. Kung hindi sa aktres, matagal nang nabura sa mapa ng showbiz ang isang Kuya Germs.

Kaya sa konting pagkukulang o sa maraming pagtulong niya sa La Loca Negra, dapat ang septuagenarian ang nagpapasensiya o nakakaintindi.

Kung oobligahin ni Moreno na lumuhod pa at humingi ng tawad sa kanya si Nora, tila lihis sa kagandahang asal.

M2M movie produ sa mga promding estudyante naghahanap ng mga ‘aktor’

Masaya na naman ang isang recruiter ng mga indie “actor” na papayag mag-all the way. Dadagsang muli sa Metro Manila ang mga estudyanteng ga­ling probinsiya. Dadami agad ang mga young men na papayag maghubad at makipagtalik sa harap ng camera at kung anu-ano pa sa halagang P3,000.

Kapag kinapos ng budget o allowance, madali nang pumasok sa bitag ng mga producer ng M2M movies ang mga poging kabataan. Hindi na muna kukuha sa mga gay bar ng mga macho dancer na nag-e-area (naglilibot ng hubad-hubad) sa mga be­king customer ang taga-supply ng M2M (man to man) actors.

Zanjoe nalulungkot na hindi mapupuntahan ang Cannes filmfest

Nalulungkot si Zanjoe Marudo na hindi siya makakadalo sa Cannes International Film Festival kung saan ang kanyang pelikulang Death March ay kasali sa competition section.

Sina Piolo Pascual at Gerald Anderson tuloy ang biyahe sa Cannes, France na ipalalabas sa Directors Fortnight section ang On the Job film ni Erik Matti.

Tiyak na magkakaroon agad ng M2M version ang On the Job at ang magiging titulo ay On the Blow Job.

Tom Jones pinabilib ng Fil-Brit contestant

Humanga ang mga vocal coach sa The Voice U.K. sa Pinoy British na si Joseph Apostol sa kanyang pag-awit ng Will You Still Love Me Tomorrow kaya nakalusot agad siya sa first round ng audition sa show.

Naiiba ang version ni Apostol ng nasabing kanta kaya’t pinuri ni Tom Jones at iba pang coaches si Joseph, na anak ng isang Pinay nurse sa Kent, U.K.

TV personality na tagahakot ng talents wala pang posisyon sa pinagmamalasakitang network

Malaki ang hinanakit ng isang TV personality sa isang major network. Upang makaganti, siya ang pinagbibintangang nanunulot ng mga top talent ng TV channel. Nagtagumpay na siya sa ilang sikat na artista at mukhang hindi siya titigil hanggang matira na lang doon ay mga forever starlet.

Ang bulong ng isang insider sa nililipatang network, matagal nang tinanggap sa kanilang istasyon ang manunulot. Nagtataka sila kung bakit hanggang ngayon ay hindi ma-announce kung anong top position ang ibinigay sa tagahakot ng talents.

Mga dancer ni Willie tuloy sa mga sexy attire

Tila unstoppable talaga si Willie Revillame. Hin­di na naman kasi mapakali ang driver na si Arthur sa mga suot ng mga dancer sa Wowowillie. After lunch, nakatutok na naman ang mahilig na tsuper dahil meron uli siyang patutungkulan ng kanyang mga wet dream.

Kung mga sexy at halos hubad ang hiling ng mga sponsor ng show, paano naman tatanggi ang TV host? Baka maglaho ang milyones na kinikita niya araw-araw. Paano naman siya tutulong sa mga mahihi­rap at magpapasuweldo sa kanyang mga tauhan sa show?

Rock the Vote shows ideya ni Sen. Pangilinan kaya Mega todo suporta

Ang mister pala ni Sharon Cuneta na si Sen. Fran­cis Pangilinan ang nagsimula ng Rock the Vote sa ating bansa noong 2007. Nakuha ng senador ang idea sa kampanya sa US noon ni former President Bill Clinton.

Kaya naman todo ang suporta ng Megastar sa Rock the Vote this year at nag-join siya sa mga provincial leg ng show.

Show comments