Another Muhlach ang nakatakdang magluningning sa mundo ng musika. Walang iba kundi si Yssa Muhlach, 16 years old, matangkad, maganda, pero mas ginusto pang sumabak sa musika kaysa humarap sa kamera at umarte.
Hindi lamang ganda ng boses at gaÂling kumanta ang talent ni Yssa. MagaÂling din siyang maggitara at mag-compose ng kanta. Siya ang eldest child ng aktres na si Almira Muhlach at ng dating basketball player na si Bong Alvarez. Si Almira ay half-sister nina Aga Muhlach at Arlene Muhlach na anak ni Cheng Muhlach.
May isa pang baguhan na nauna nang magpakilala sa larangan ng aktingan pero kumakanta na rin, si AJ Muhlach na anak din ni Cheng sa ibang babae. Sina Yssa at AJ ay parehong nasa ilalim ng management ng Viva Recording.
Sa May 17 ay isang big event ang magaganap kay Yssa dahil magkakaroon siya, for the first time, ng isang solo concert na gaganapin sa Teatrino, Greenhills, San Juan City at ang isa sa guest na singing group ay ang grupo ni AJ. Itatampok din ang ilang komposisyon ni Vehnee Saturno na inawit ni Willie Revillame na inareglo naman ni Yssa para sa kanyang solo concert. Ilan dito ang mga kantang ’Yun Ka, Ikaw na Nga, TL Ako sa ’Yo, at With a Smile.
Ang pagiging music lover ni Yssa ay minana niya pala sa kanyang ama at hindi sa aktres niyang ina. Si Bong din ang nagturo sa kanya na tumugtog ng gitara.
Young star feeling reyna dahil may ‘nag-aalaga’
“Pa-feeling†daw itong young star kung sakali na suwertehin. Sabagay, may pag-asa naman siyang sumikat. Kaya siya “pa-feeling†ay dahil feeling magaling kumanta, feeling super ganda, feeling star na, at kung anu-ano pang feeling.
Kaya naman sa kapi-feeling niya tuwing kumakanta sa show na join siya, hayun at nagkakamali na ng lyrics at laging flat pa ang boses sa parte na dapat ay mataas na ang tono. ’Yun na, waley na sa tono.
Kung bakit siya feeling reyna din ay dahil may nag-aalaga raw sa kanya. ’Yun lang!