Pinag-iisipan pa raw kung matutuloy ang birthday concert ni Nora Aunor, na ang mismong kaarawan ay sa May 21, kahit pa paos pa rin ang boses ng Superstar.
Pero tiyak na ang ginagawa nitong indie film sa TV5 CineFilipino na si Ate Guy ang bida sa Ang Kuwento ni Mabuti. Sigurado na muling mag-iingay ang fans ni Ate Guy dahil sa ipinagmamalaki nilang husay sa pag-arte ng kanilang idolo.
Kailangan pa lang bumalik ni Ate Guy sa AmeÂrika sa buwan ng Hunyo dahil sa magre-renew siya ng green card. Tiyak na by that time ay tapos na ang lahat ng kanyang commitment bago siya pumunta uli ng L.A.
Samantala, sinadya ni Nora sa GMA 7 si German “Kuya Germs†Moreno sa show nitong Walang Tulugan ni Master Showman kamakailan. Obvious naman na sinuyo ni Ate Guy si Kuya Germs dahil sa hindi ito nakarating sa 50th anniversary preÂsentation ng Master Showman.
Tita Swarding namatay na
Pumanaw na ang radio personality na si Romulo Espeña na mas kilala sa tawag na Tita Swarding sa edad na 60 years old nung Linggo ng madaling araw.
Ayon sa ABS-CBN news, namaalam si Tita Swarding dahil sa komplikasyon sa sakit na emphysema o chronic obstructive pulmonary disease (COPD). Isa itong sakit sa baga na katulad din ng ikinamatay ni Dolphy. Sinasabing matagal ding pabalik-balik sa Quezon City General Hospital si Tita Swarding bago tuluyang binawian ng buhay.
JV, mabuting anak
Kahapon, Mother’s Day, ay puring-puri ni Ms. Natalie Palanca, dating movie reporter at producer, si Rep. JV Ejercito. Saksi siya na isang mabuting anak sa mother nitong si Gia Gomez dahil madalas niya itong makasalamuha sa bahay ng mag-ina.
Kahit nga raw sa pagsulong ng pro-life advocacy ni Ms. Gomez ay sinuportahan ni JV ang kanyang ina.
Doll export pala ang isa sa produkto ng Balikatan na isinusulong ni Ms. Gia. Nakapagbigay ito ng maraming trabaho sa kanilang constituents sa San Juan City.