Cool na cool na sinagot ni UNA senatorial candidate Nancy Binay ang naging pahayag ni Vice Ganda kamakailan na wala siyang experience sa pulitika pero senador agad-agad ang tinatakbo niya.
“Alam n’yo I respect his opinion, this a free country, so kung ganun ’yung tingin niya wala po akong magagawa. ’Di ba? At the end of the day, he has just one vote, ’di ba?†nakangiting say ni Nancy sa presscon kahapon na handog sa kanya ng Regal maÂÂtriarch na si Mother Lily Monteverde.
“Kaya nga patuloy pa ’yung pangangampanya natin para makalikom pa tayo ng ibang tao na puwedeng bumoto sa akin.
“At saka pandagdag po, ’di ba meron din akong sariling Vice (ang ama niyang si VP Binay)? ’Tapos kasama ko si Mother Lily ngayon. Kasama ko pa ang soon-to-be vice rin, ’di ba? Kaya nga sa suporta pa lang, ang dami ko na pong nakukuha,†she said.
Ang tinutukoy ni Nancy na soon-to-be vice president ng Pilipinas ay si Sen. Jinggoy Estrada na dumalo rin sa presscon bilang suporta sa kapartido.
Ang nakakatuwa, ayon kay Nancy, ay paborito raw si Vice Ganda ng kanyang mga anak at aminado siyang very talented naman talaga ang komedyante.
Kapag nakasalubong nga raw niya si Vice Ganda ay maghe-hello siya at magpapakilalang siya si Nancy Binay.
Kung sa experience naman, ayon pa sa kandidata ay may kaalaman naman siya sa pulitika dahil ito ang kinamulatan niyang mundo at bata pa siya ay sinasama-sama na siya ng ama sa mga political rally pati na sa iba pang political activities nito.
Nang lumaki siya ay nagsimula na siyang tumulong sa ama mula noong mayor ng Makati City hanggang ngayong vice president na nga. Siya rin daw ang pinamahala nito ngayon sa iba’t ibang foundations na itinatag nito at maging sa pagpunta-punta nito sa ibang bansa ay siya raw ang laging kasama.
Natanong din si Nancy kung susuportahan ba siya ng family friend nilang si Kris Aquino since as we all know ay nasa ibang partido siya at wala sa Team P-Noy.
“I think it’s best na na siya na lang ang sumagot kung ie-endorse niya ako or hindi kasi siyempre ayoko namang mag-assume. At saka ayoko rin siyang malagay sa lugar na maiipit siya. Alam n’yo naman, iba ang partido ko at iba ang partido ng kapatid niya, so ayoko lang na maipit siya,†maingat na sabi ni Nancy.
Dagdag pa niya, naniniwala naman siya sa lakas ng hatak ng artista when it comes to endorsing a political figure.
Samantala, si Nancy ang pang-13 senatoriable na ine-endorse ni Mother Lily. Kaya kahapon ay natanong ang Regal producer kung bakit sobra ang kandidato niya at kung sino ang ilalaglag niya sa listahan ng 12 senador na iboboto niya.
Panay ang tawa ni Mother at aniya ito nga raw ang problema niya. Napag-usapan na lang nila ng anak na si Roselle Monteverde-Teo na ito na lang boboto sa isang pulitiko na hindi niya maiboboto.
Volcanoes nagsalita sa kumpetisyon sa Azkals
Humarap sa entertainment press ang rugby team natin na Philippine Volcanoes sa presscon tendered by FILA sportswear last Wednesday para ianunsiyo ang isang napakahalagang balita.
Ang nasabing good news ay ang pagkakasama ng Volcanoes sa kauna-unahang pagkakataon sa makikipag-compete sa 2013 Rugby World Cup Sevens bilang representative ng Pilipinas na gaganapin sa Moscow, Russia ngayong Hunyo.
Kaya naman proud na proud ang lahat ng miyembro na sina Michael Letts (team captain), Jake Letts, Garetth Holgate, Patrice Olivier, Matt Saunders, Harry Morris, Ben Saunders, Andrew Wolff, Justine Coveney, at Alex AronÂson, at excited na silang lumaban.
“It’s really a privilege and honor to represent the Philippines. Every time we play it’s for the Philippines,†sabi ni Andrew.
Sa presscon ay natanong kung sino ang mas sikat sa kanila ng Philippine Azkals at say ni Andrew wala namang kumpetisyon sa pagitan nila at nagsusuportahan sila sa isa’t isa.
Samantala, ayon naman sa Team Captain na si Michael, gagawin nila ang lahat para manalo sa World Cup kaya inaaanyayahan nila ang lahat to support them at ang sports na rugby.
“This is something we carry with honor and pride to represent the Philippines and promote the sport,†sabi ni Michael.