Palabas pa yata sa ibang mga sinehan ang It Takes a Man and a Woman kaya may chance pa si Senatoriable Nancy Binay na mapanood ang blockbuster movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.
Naikuwento kasi ni Nancy sa pressÂcon kahapon na bigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde na hindi pa niya napapanood ang John Lloyd-Sarah movie dahil busy siya sa pangangampanya.
Ang dalawa ang favorite stars ni Nancy na aminado na mahilig maÂnood ng mga Pinoy teleserye at pelikula.
Kung hindi man mapanood ni Nancy sa sinehan ang It Takes a Man and a Woman, hintayin na lang niya ang release ng DVD copy ng pelikula nina John Lloyd at Sarah.
Nangako nga pala si Nancy na pagkatapos ng eleksiyon sa Lunes ay iti-treat niya ang entertainment press sa Coconut Palace dahil birthday niya sa May 12.
Kinontra ko ang venue na type ni Nancy dahil nalalayuan ako sa Coconut Palace. Nag-suggest ako sa kanya na idaos na lang niya sa Imperial Palace Suites sa Quezon City ang kanyang birthday blow out dahil ‘yon ang lugar na convenient para sa showbiz press. Mukhang nakumbinsi naman si Nancy sa suggestion ko.
Sen. Jinggoy never nilalapitan ni Rep. JV
Dumating kahapon si Sen. Jinggoy Estrada sa presscon ni Mother Lily para kay Nancy Binay.
Laugh trip ang entertainment press dahil meaningful ang mga sagot ni Papa Jinggoy kapag tinatanong ito tungkol sa kanyang half-brother na si Congressman JV Ejercito na senatorial candidate din.
Simple at diretso ang sagot ni Papa Jinggoy nang tanungin ito kung bakit hindi niya sinusuportahan ang kandidatura ni JV. Hindi naman daw lumalapit sa kanya ang half-brother niya.
Safe ang sagot ni Nancy sa tanong ko kung sino ang mas mabait, si Papa JingÂgoy o JV? Pareho ang sagot ni Nancy.
Mabait daw sina Papa Jinggoy at JV dahil mabait din ang kanilang ama, si forÂmer President Joseph Estrada.
Na-excite nga pala ako sa sinabi ni Papa Jinggoy Estrada na may important announcement siya pagkatapos ng elekÂsiyon.
Siniguro niya na magpapatawag uli siya ng presscon. Naintriga ako, tungkol saan kaya ang presscon ni Papa JingÂgoy? Kukumpirmahin ba niya na tatakbo siya na vice president ng bansa sa 2013 o magpo-produce siya ng bagong pelikula na pagbibidahan nila ng kanyang anak na si Julian?
VP Jojo natuwa sa umitim na kulay ng anak
Sayang dahil hindi nakarating kahapon sa presscon ni Nancy ang kanyang tatay, si Vice President Jojo Binay.
Narinig sana ni Papa Jojo ang kuwento ni Nancy tungkol sa kanilang kulay. Morenang-morena ang kulay ngayon ni Nancy dahil bilad siya sa araw mula nang mag-umpisa ang kampanya.
Natuwa raw si Papa Jojo nang makita nito na umitim din ang kanyang anak. Hindi na puwedeng tuksuhin si Papa Jojo tungkol sa kulay niya dahil mas kaÂyumanggi pa ngayon si Nancy.