Sa pangalawang pagkakataon ay sumabak sa gay role si Zanjoe Marudo sa pelikulang Bromance: My Brother’s Romance ng Skylight Films. Kung sa first gay role niya sa 24/7 ay patikim lang ang aÂting nakita, this time, full length na ito at take note, siya na talaga ang bida, not just a leading man ng mga female stars kundi pelikula niya talaga.
This is Zanjoe’s first solo movie kaya naman sa presscon kahapon ay ipinahayag niya ang kanyang pasasalamat at kasiyahan sa pagbibigay sa kanya ng launching movie although aminado naman siya na nate-tense siya.
“Kasi nga, hindi naman ako sanay talaga na ako ang bida sa isang project. Siyempre, natutuwa ako. Gusto kong maging humble, pero ang damdamin ko, nagsusumigaw na maging confident dahil alam naming magandang pelikula ito,†he said.
Pinaghirapan daw nila talaga ang movie, pinagpuyatan at talagang kinarir niya nang husto ang pagiging bading na in fairness, sobrang bagay na bagay sa kanya at nabigyan niya ng justice talaga.
Natanong nga kay Zanjoe kung sino ang peg niya sa kanyang role as Brandy sa movie at aniya, wala naman daw siyang ginaya dahil gusto niya ay sarili niya talaga pero parang si Direk Don Cuaresma raw.
Eh kanino naman niya natutunan ang pag-pout ng lips niya?
“Ah kay Bea (Alonzo, her girlfriend),†say niya.
Itinuro ba ito sa kanya ni Bea?
“Actually, hindi. Dati pa lang, lagi kong ginagaya ‘yun, kasi nga hindi naman usual na ginagawa ng tao ‘yung naka-pout ang labi. Pero pagdating sa mga cover sa magazine, sa mga pictures, lagi silang nakaganu’n. So minsan, inaasar ko siya, ginagaya ko ‘yung mga pictures niya,†kwento ng aktor.
Ano naman sa tingin niya ang magiging reaksyon ng girlfriend kapag napanood nito ang pelikula.
“Magiging proud siya sa akin. Kasi ngayon pa lang, grabe na niyang ipinapakita kung gaano siya kasaya na trailer pa lang ang napapanood niya. Masarap ang pakiramdam na ‘yung taong mahal mo, proud sa ginagawa mo kahit na ‘yung ibang tao, iniisip, “hindi kaya ikakahiya siya ng girlfriend niya o ng kapatid niyaâ€. Ang sarap ng ganun’g pakiramdam, lahat ng taong inaasahan ko ay sumusuporta, mga kaibigan ko, pamilya ko,†say ni Z.
Bukod kay Zanjoe ay kasama rin sa movie si Cristine Reyes bilang leading lady niya, Nikki Valdez, Maricar de Mesa, Carlo Romero, Arlene Muhlach, at marami pang iba.
The movie is showing on May 16.
Dating manager ng DZMM tinututukan ang isyu sa media
Dating station manager ng DZMM si Cong. Angelo Palmones ng AGHAM Party-List and in fairness, maganda ang adbokasiya o adhikain nito at maagap kumilos.
Noong isang taon ay naipasara nito ang isang Korean Restaurant sa Taal Lake dahil ang dumi nito ay nakaapekto sa kalusugan ng mga isda sa lawa.
Isa rin sa nais tutukan ng kongresista at AGHAM Party-List ang ilan pang isyu sa media tulad ng KBP’s concern on the “decriminalization of libel†and broadcaster’s rights (Amendment of the Intellectual Property Code).