Sobrang depressed ang sikat na singer, kaya napapabayaan ang sarili pati ang kanyang kotse!
Kahit very closed friends niya, iniiwasang sumakay sa car niya. Reklamo nila, daig pa ang trak ng basura sa masamang amoy ng sasakyan. Kahit itodo pa ang aircon at mag-spray ng isang boteng air-freshener, sasapawan pa rin ito ng masansang na aroma.
Paano naman, puno ng basura ang gawing likod ng sasakyan. Nandun din ang mga upos ng sigarilyo at mga natirang pagkain! Naku po! Ipalinis nang husto ang car sa mga alalay at baka pati mga seat cover, puro mantsa na at kumapit na rin ang foul odor.
Kahit hindi maabot ang mataas na tono, fans ni Daniel nasulit ang panonood ng kanyang concert
Sa mga review ng Daniel Live Concert, pawang mga fans ang sentro ng write-up. Lumilihis sa mga kuwento tungkol sa boses at performance ni Daniel Padilla, kahit sabihin pang it was a sell-out affair.
Sa lakas ng tilian ng mga girls at bading, imposibleng marinig kung sintunado ang 18-year-old performer. Wala rin silang pakialam kung hindi maabot ng teen idol ang matataas na tono ng mga kanta.
Basta’t palakasan ang mga fans ng sigawan at thrilled to death sila at the sight of their ‘boyfriend’ and ‘husband.’ Okay lang. Kaya naman ni Daniel, ayos lang kahit hindi niya natatapos ang kanta. His presence alone, enough na para mag-orgasm ang mga nanonood sa kanya.
Anyway, almost everybody got their money’s worth. Hindi naman talaga sila bumili ng tiket para makinig ng beautiful music.
Mrs. Villar maraming plano para sa mga nurse
Mula sa angkan ng mga Aguilar si Mrs. Cynthia Villar, angkan ng mga minamahal na lingkod-bayan sa Las Piñas. Ang kanyang ama ay naging mayor ng nasabing bayan. Si Cynthia mismo ay naging Representative sa Kongreso ng kanyang distrito. Ngayon ang kanilang anak ni Sen. Manny Villar na si Mark ang kinatawan doon.
Ngayon kilala si Mrs. Cynthia Villar bilang Misis Hanepbuhay. Marami kasi siyang mga matagumpay na livelihood programs para sa mga ginang ng tahanan at mga kababaihan, na nakapagbigay ng hanapbuhay.
Pinupuri at pinasasalamatan si Mrs. Villar sa pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga kasapi ng kanilang Villar Foundation ni Sen. Manny Villar. Palagi siyang kasali sa top 5 hanggang top 10 ng mga 12 magwawaging senador sa May 13 elections, kaya sigurado na tayo na maipagpapatuloy niya ang livelihood advocacy sa isang higit na malawak na paraan, kapag nasa senado na siya.
Ang tungkol sa mga nurses, misquoted lang pala siya. Si Sen. Manny Villar ang may akda ng batas upang taasan ang suweldo ng mga nurses sa mga public hospital, kaya katulong siya ng kanyang mister sa pagpaÂpataas ng kalidad ng buhay ng mga nurses.
Balak niyang magtayo ng mga nursing clinics, upang higit na maging available ang services ng mga nurses at tumaas pa ang kanilang kita. Malapit nang simulan ang unang nursing clinic at tiyak na dadami pa ito sa buong bansa.
Dalawang dating aktres, biktima ng riding in tandem
Mga biktima pala sina Azenith Briones at Dinah Dominguez ng mga riding-in-tandem criminals, kaya all-out ang kanilang suporta sa Anti-MRC ng Quezon City Police District.
Dumalo ang dalawa sa launching ng Anti-Motorcycling Criminals campaign.
Mga motorcycle riding-in-tandem ang pumatay sa kapatid ni Azenith. Si Dinah naÂman, inagawan ng bag sa parking lot ng tiniÂtirhang condominium ng mga nakamotorsiklong snatchers.
Bida sa isang show, mula ulo hanggang paa kung magmura sa mga kasamahan
Bumalik na sa kanilang mga trabaho ang mga staff ng isang revived show, pero hindi pa rin sila masaya. Matitikman kasi nilang muli ang mga pagtataray ng host ng show, na asal-diva.
Bubulyawan silang muli ng artista kahit konting pagkakamali lang. Huwag pahuhuli na naninigarilyo sa set at mumurahin ka niya mula ulo hanggang paa. Pati sa pag-serve ng pagkain, kailangang maingat sila. Never maghain ng malamig na soup, kahit matagal na itong na-deliver ng caterer. Dapat initin muna sa microwave oven ang lahat ng putahe, bago ibigay sa kanya.
Hanggang ngayon, hindi pa naman natutulad sa sobrang palasigaw na direktor na nilalagyan ng ihi at ipis ang kape bago i-serve.